Kabanata 6: Ang Tinig

100 6 0
                                    

Ang Tinig



Lumipas ang tatlong araw at tuluyan na nga akong gumaling sapagkat hindi ako pinabayaan ni Snow White. Pinakain at nilinisan niya ako nang hindi nagrereklamo. Hindi niya rin pinabayaan ang aking kapatid at tumulong din sa pag-aalaga sa amin ang pitong duwende.


Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala naman akong napansing kakaiba- maliban na lamang sa araw na ito.


Kasalukuyan kaming kumakain ng aming umagahan; tinapay na may palamang presas at gatas para sa aming inumin. Habang kumakain ay bigla kong naalala ang sinabi ni Snow White na kapag ako'y lubusang magaling na ay maaari na kaming umuwi sa amin. Dahil sa naalala kong iyon ay natuwa ako kaya tinawag ko siya upang sabihin ang akin nais.


"Snow White, maraming salamat po dahil inalagaan niyo po ako. Salamat din po dahil hindi niyo po kami pinabayaang mag-kapatid," nagpapasalamat kong sabi sa kanya habang naka-ngiti. "Snow White, dahil po maayos na po ang aking pakiramdam, kung maaari po sana ay nais na po namin ni Juan na umuwi na po sa amin," pakiusap kong dugtong.


Kumagat muna siya sa kanyang tinapay, nginuya at nilunok ito at saka tumingin sa akin at naka-ngiting tumango. "Kung iyan ang nais mo, sige. Mamaya rin ay lilisan tayo upang ihatid kayo sa inyong tahanan. Ngunit ubusin muna natin itong ating kinakain upang tayo'y makapag-gayak na. Tatalilis tayo kaagad bago kumagat ang dilim," naka-ngiti niyang sabi.


Sa labis na galak na aking nadama, napa-tayo ako at lumundag-lundag. "Yehey! Yehey!" masigla kong sigaw at nilapitan ko si Snow White upang siya'y yakapin nang mahigpit. "Salamat po! Salamat po!" masaya kong sabi.


Tumawa siya ng mahinhin at saka ginulo ang aking buhok. "O siya, siya," natatawa niyang sabi. "Bumalik ka na sa iyong upuan at tapusin mo na ang iyong kinakain," magalang na utos niya.


Tumango ako at dumiretso sa aking pwesto at saka umupo at ipinagpatuloy ang naudlot kong pag-kain. Sa wakas! Makaka-uwi na rin kami! Makikita ko na muli sila Mama't Papa! Sabik na sabik na akong makita at mayakap sila! Kumusta na kaya sila? Nasa mabuting kalagayan lang kaya sila? Hinahanap kaya nila kami? Nag-aalala kaya sila?


Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng lungkot. Bigla akong kinutoban ng hindi maganda. Napa-buntong hininga na lamang ako sa mga isipin kong iyon. Sana nama'y nasa maayos na kalagayan lamang sila. Ayokong may mangyaring masama kila Mama't Papa sapagkat hindi ko iyon kakayanin.


Bahagya akong napa-pitlag nang may naramdaman akong kamay na tumapik sa aking balikat. Nilingon ko ang may-ari ng kamay na iyon at nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Snow White.


"P-Po? B-Bakit po? Ano p-po iyon?" nauutal kong sabi.


Bumuntong-hininga siya at kinapa ang aking noo. "Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iyong iniisip. May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.


Umiling ako at bahagyang ngumiti. "W-Wala naman po. Ayos lang naman po ako, huwag niyo na lamang po akong pansinin," sabi ko at tumawa ng pilit.


Si Snow White (ON HOLD)Where stories live. Discover now