Kabanata 4: Ang Pulang Pintuan

114 10 1
                                    

Ang Pulang Pintuan



Naka-harap kaming mag-kapatid ngayon sa hapag-kainang yari sa kahoy dito sa loob ng tahanan ni Snow White. Ang bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan; si Juan ay kumakain ng ubas, si Snow White ay nagluluto ng aming pang-hapunan at ako nama'y hindi mapakali sa aking kinalalagyan.


Kanina pa ako palinga-linga sa loob ng tahanang ito ni Snow White. Napansin ko na maraming maliliit na kagamitan dito- mga silya, kubyertos, mangkok, plato, baso, mga kama sa itaas at iba pa.


Nakakapag-taka sapagkat si Snow White lamang ang nakikita kong naninirahan dito- maliban na lang kung may mga kasama siya. Kung mayroon man, sino? O 'di kaya... ano?


Ipinilig ko ang aking ulo sa loob ng aking isipan. Imposible namang may mga kasama siya na hindi pangkaraniwang nilalang. Ni hindi ko nga alam kung tunay ba na mayroon talagang gano'n o wala.


"Snow White?" tawag ko sa kanya.


"Hm? Ano iyon? May kailangan ka ba, Juana?" tanong niya sa akin na hindi ako nililingon.


"Gusto ko lang po sanang mag-tanong. May iba po ba kayong kasama rito?"


Bigla siyang napa-tigil sa paghihiwa ng mga gulay na pang-sahog para sa sabaw na kanyang niluluto.


"N-Napansin ko po kasing ang dami pong maliliit na kagamitan dito sa loob- pati na rin po ang mga kama sa itaas. Sino po ba sina Doc, Grumpy, Happy, Sleepy, Bashful, Sneezy, at Dopey?" pagpapatuloy ko. Tinignan ko siya saglit at binaling ang aking paningin sa isang kwarto na may pintuang kulay pula at may naka-ukit na rosas sa gitna.


"Sila po ba ang mga kasama mo rito? Mga tao rin po ba sila? Kung hindi naman po, ano-"


Biglang naputol ang aking pagtatanong nang tarakan niya ng kutsilyo ang sangkalan nang mariin. Nagulat ako sa ikinilos niya at mas lalo ko pang ikinagulat ang bigla niyang sinabi.


"Ang dami mong tanong, bata," sabi niya sa mariin at nakaka-kilabot na boses.


"S-Snow White?" kinakabahan at nanlalaking-mata kong tawag sa kanya.


Hindi siya lumilingon ngunit kitang-kita ko ang biglang pagbabago ng kutis, mukha at kulay ng mga mata niya kanina. Tumataas-baba rin ang kanyang mga balikat na para bang naghahabol siya ng hininga o di kaya'y pinapa-kalma niya ang sarili. Kitang-kita ko rin ang pag-higpit ng pagkaka-hawak niya sa hawakan ng kutsilyo na para bang kahit anong oras ay makaka-patay siya.


Medyo napa-pitlag ako nang tumunog ang takuri. Nilapitan iyon ni Snow White at humarap sa amin na naka-ngiti.


"Mainit na ang tubig! Anong gusto ninyo, gatas o tsokolate?" masigla niyang sabi sa kanyang malambing na boses.


Tinaas ni Juan ang kanyang maliit na kamay at sinabing, "Ako po, gatas!"


Si Snow White (ON HOLD)Where stories live. Discover now