Kabanata 3: Sa Loob ng Gubat 2

96 9 7
                                    

Sa Loob ng Gubat 2




Nagising ako ng may benda na naka-balot sa aking ulo. Kahit may kirot pa rin akong nararamdaman ay mas pinili kong bumangon mula sa higaan. Nilibot ko ang aking paningin at sigurado akong wala ako sa sarili naming silid.


Napansin ko ang kamang aking hinihigaan at ang iba pang mga kama na nasa loob ng silid na ito. Maliliit ang mga ito at may mga pangalan na Doc, Grumpy, Happy, Sleepy, Bashful, Sneezy, at Dopey ang naka-ukit sa may bandang ibaba nito.


Saglit kong ipinikit ang aking mga mata upang alalahanin ang nangyari bago ako mawalan ng malay.


Naglalakad ako no'n sa kalagitnaan ng gubat at tumigil ako dahil napansin ko na dumidilim na sa aking paligid. Nang ibaling ko ang aking paningin sa harapan kung nasaan si Snow White at ang aking kapatid ay hindi ko na sila masilayan. Hahakbang na sana ako nang biglang may humampas sa aking ulo at dumilim ang aking paningin. Ngunit bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang paghingi ng saklolo ng aking kapatid—


S-Saklolo?! Naku, si Juan!


Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Snow White at Juan na parehong may nag-aalalang mukha.


"Gising ka na pala. Kumusta naman ang iyong pakiramdam? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" sabi niya nang tuluyan silang maka-pasok.


"A-Ate..." sabi ni Juan sabay yakap sa'kin habang umiiyak.


Niyakap ko rin pabalik ang aking kapatid. "O-Opo, maayos naman na po ako. Ano po bang nangyari?" tanong ko sa kanya dahil siya lamang ang nag-iisang kasama namin noong nasa gubat kami. Gusto ko lang malaman kung anong sasabihin niya dahil hindi ko magawang pagka-tiwalaan siya at saka naghihinala na ako sa kanya.


Oo, alam kong masama ang mag-hinala kaagad, lalo na kung hindi mo pa masyadong kilala ang isang tao. Ngunit hindi talaga ako kumportable sa kanya. Para bang kahit anong oras ay may gagawin siyang masama sa amin, at parang may tinatago siyang sikreto.


"Nakita ko kayo sa kalagitnaan ng gubat. Narinig ko ang pag-hingi ng saklolo ng iyong kapatid kaya nilapitan ko kaagad kayo. Ang sabi ng iyong kapatid ay nahulog ka raw mula sa puno. Naglalaro raw kayo ng bola sa may gubat nang biglang mapunta iyon sa isang puno. Noong inakyat mo raw ay hindi mo raw sinasadyang umapak sa isang putol na sanga kaya ka nahulog," litanya niya.


N-Nahulog? Nahulog ako? B-Bakit siya nagsisinungaling?


Nilingon ko si Juan na nasa kandungan ko at tumango-tango naman siya. "G-Gano'n po ba? Pasensya na po sa abala, at maraming salamat na rin po," sabi ko at bahagyang ngumiti. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ng aking kapatid.


Anong nangyayari? Bakit nagsisinungaling din ang kapatid ko?


"Maraming salamat po ulit. Aalis na po kami."


"Ayaw niyo ba munang kumain? Nag-handa pa man din ako," sabi niya sa malungkot na boses.


"H-Hindi na po. Salamat po talaga ngunit kailangan na po talaga naming umalis. S-Sa susunod na lang po siguro," kinakabahan kong sagot. Hinila ko ang kapatid ko papalabas ng pintuan nang biglang nagsalita si Snow White.


"Manatili kayo. Hindi kayo maaaring umalis!"


"P-Po?" nilingon ko siya dahil noong sinabi niya iyon ay hindi ang boses niya ang aking narinig kundi isang boses ng nakakatakot na matandang babae.


"Delikado na sa labas dahil magdi-dilim na. Dito na muna kayo pansamantala at sasamahan ko na lang kayo sa pag-uwi ninyo kinabukasan. Pakiusap?" pagmamaka-awa niya.


Sumilip ako sa isang bukas na bintana at nakita ko ang papa-dilim nang langit. Napa-buntong-hininga ako sa aking isipan at nilingon ko siya nang medyo nag-aalangan.


"S-Sige po. Paumanhin po sa pag-abala namin."


At ngumiti siya ng nakaka-kilabot kasabay ng pag-lipad ng mga uwak sa labas.




Ipagpapatuloy...

Si Snow White (ON HOLD)Where stories live. Discover now