Kabanata 2

23.6K 406 25
                                    

Dinner

Nang magising ako ay wala na si Lucian sa tabi ko. Ganoon naman palagi. Sa tuwing ginagawa namin ang bagay na iyon ay hindi siya nag aaksaya ng oras para tabihan ako sa kama. Kailanman ay hindi ko siya naabutang natulog sa tabi ko. Siguro nga ganoon niya ko labis na kinamumuhian, na maski pagtulog na magkatabi ay hindi niya masikmurang gawin.

Hindi na ako umaasa na rito nga siya natulog. Dahil sanay na sanay na ako. Alam ko namang hindi siya rito natulog. Malabong mangyari ang bagay na iyon. Sa ilang taon naming mag asawa kailanman ay hindi siya tumabi sa'kin sa pagtulog.

I'm still sore down there. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. Bumaba ang tingin ko sa comforter na nakabalot sa katatawan ko. Tanging ang kulay itim ko lang panty ang aking suot sa loob ng comforter.

The rest, I'm still naked.

Kahit na masakit ay pinilit kong bumangon at tumayo. Dumiretso ako sa shower. I stared at my own reflection-at my own naked body here in the big mirror inside our shower room-and there I realized how much of a mess I look right now. My hair was messy. Hickeys all over my body... he put hickeys on my neck down to my cleavage. He just marked me everywhere!

He literally owned me—he owned every inch of me!

Binuksan ko ang shower. Hinayaan ko ang malamig na tubig na dumaloy sa'king katawan. Pumikit ako at dinama ang lamig ng tubig. Mag turtle neck na lang siguro ako ngayon at sa susunod pa na mga bukas. Kitang-kita mo ang panggigil niya sa bawat markang kaniyang iniwan sa balat ko.

He didn't just leave a hickey on my neck down to my cleave; he also left a hickey down to my stomach; he just marked me everywhere his lips could reach. Kulang na lang pati ang mga braso ko ay lagyan niya rin!

He just owns me—he owns my heart, my body, and even my soul. He owns every inch of me—even the little piece of me—but he was never mine. Paulit-ulit niyang ipinapamukha sa'kin, na asawa niya lang ako sa papel, na kaya lang kami kinasal ay para sa negosyo ng mga magulang namin.

He could never love me; he despised me enough to make my life a living hell; and worse, he just never tried to love me.

Nang matapos akong mag shower ay naghanap ako ng damit na pwedeng masuot. I just wear a simple top and put a scarf around my neck, para matakpan ang mga markang iniwan niya sa'kin. Dumiretso ako sa kusina para mag timpla ng paboritong kong matcha.

I first dissolved the matcha in warm water, then got another glass to pour the milk into, put enough ice in it, and added the matcha I had dissolved earlier. I also put Dutch Mill strawberry flavor and yakult to make my matcha even better, but sometimes I do prefer just matcha and milk. But now I want something to suit my taste, and surprising enough, it tastes good. Matcha goes well in strawberry, or maybe it's just me and my tongue?

''Mia,'' banayad kong tawag sa isa naming kasambahay.

Agad 'tong lumapit sa'kin. ''Bakit ho, ma'am? May kailangan ho ba kayo? Ano ho 'yon?''

''Si Lucian? Maaga ba siyang pumasok sa trabaho?'' tanong ko sa maliit na boses.

''Ah, ma'am. Maaga ho siguro umalis si sir. Pagbalik kasi namin dito wala na siya... kaya hindi ko ho sigurado,'' nahihiyang niyang wika.

I knew it. Alam ko na naman na, pero bakit ang sakit pa rin?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, pigil ang aking mga luha. He didn't sleep here. Katulad nang dati sa tuwing tapos na siya sa'kin at sa katawan ko ay umaalis na siya, na para bang walang nangyari.

Happily Never After (Fairytale Series 1)Where stories live. Discover now