"Nainis nga ako nun sa kanya hindi kaya yun biro saka nag alala talaga ako sa'yo nun."

"Ano ka mo?"

Namula ako at naiwas ang tingin ko kay Joaquin. "W-wala."

"Ang sarap pakinggan na nagaalala ka sakin."

"Hanggang ngayon pa rin naman Joaquin nagaalala parin ako sa'yo." Mahinang tugon ko.

"Sana—-"

"Nako! Mag aalasais na pala Joaqy! Kailangan ko nang umuwi." Dali-dali akong tumayo at kinuha ang tapper wear na dala ko. "Ito nga pala, dalhin mo to'." Dali-dali akong nagtungo papalabas.

"Shar!" Muli akong napalingon pabalik kay Joaquin. "Babalik ka ulit bukas di ba?"

Nginitian ko siya.

"Oo naman." At nag patuloy na sa pag uwi sa bahay.

Mabilis akong pumasok sa bahay at kinabahan nang makita ang sasakyan ni Jairus na nasa garahe na.

"San' ka galing?" Halos mapa lundag ako sa gulat nang salubungin niya ako sa may pintuan.

"Ah- dyan lang sa kapitbahay."

"Talaga? Nakipag kaibigan ka na sa kapitbahay?" Tila di makapaniwala niyang sabi.

"Anong akala mo sa akin? Hindi marunong makipag kaibigan?!"

"Oy wala akong sinabing ganyan." Nakanguso niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo!" Mabalis akong naglakad at nilampasan siya.

"Teka, ano yan?"

Napaharap ako kay Jairus na tinutukoy ang dala-dala kong isang bag na puro tapper wear na walang laman.

"H-hinatiran ko kasi siya ng afritada at kinuha ko na rin agad ang tapper wear." Pigil hininga kong pagpapalusot.

"Sinong kapitbahay pala yun?"

"S-si Sharon yung kakalipat lang? Siya lang daw mag isa dun sa bahay na pinaglipatan niya eh."

"San' banda bahay nun?"

"S-sa may kanto malapit sa guard house."

"Ganun ba? Hindi ko alam na may bagong lipat pala dun at wala din naman akong pakialam. Sige, kain na tayo." Masigla niyang sabi sabay akbay sa akin patungong hapag.

Para akong nabunutan ng tinik sa nangyari. Buti nakahanap ako ng lusot o baka ang tamang dapat sabihin ay nakahanap ako ng magandang kasinungalingan. Bakit ba ako nag sisinungaling? Alam kong hindi tama na e tago ko ang bagay na'to kay Jairus pero wala din naman akong ginagawang masama. Bakit ba ako na kokonsenya? Kailangan ni Joaquin ang tulong ko at sa ngayon ito ang mas importante siguro sasabihin ko sa kanya ito sa tamang panahon. Kailan ba ang tamang panahon?

"Shar, alam mo masaya ako." Biglang sabi ni Jairus habang pumapailalim sa kumot.

"Bakit naman?"

"Cause' you make friends. Hindi ko alam pero nasiyahan ako."

Kumirot bigla ang puso ko. Nabalutan ako ng konsenya sa sinabi ni Jairus. Hindi ako sanay mag sinungaling pero alam kong kinakailangan ito sa ngayon. Ano kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ma diskobre niyang pawang kasinungalingan lang ang sinabi ko sa kanya at ang pinuntahan ko kanina ay si Joaquin? Makokonsenya ka kapag may ginawa kang mali, ngunit mali ba ang tumulong? Ang mag sinungaling, Oo mali pero natatakot akong lumikha ng komosyon. Natatakot akong masaktan si Jairus.

You're Mine (Jailene)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora