Sumikip ang dibdib ko nangmarinig ko ito ng tuluyan sa bibig ni Joaquin. Mahigit na inaalis ko ang ideyang ito sa aking isipan kahit na alam kong maaaring ito nga ang rason kung bakit siya nagtratrabaho sa laundry shop. Ayaw ko itong isipin at ngayon tila sinampal ako ng katotohanang tama ako sa unang ideyang pumasok sa utak ko. Nagbadyang mahulog ang luha sa aking mata habang tinitignan ang mukha ni Joaquin na hindi naka tingin sa akin

"Matagal na? Bakit hindi mo sinabi sa akin Joaquin? Bakit wala kang nababanggit sa akin!"

"Kung sasabihin ko ba matutulongan mo ako Sharlene?"

"Oo!" Mabilis siyang napatingin dahil sa aking sagot. "Joaquin kaya kong gawin lahat para sa'yo. Ipagkakait ko pa ba ang konting tulong? Joaquin, hindi. Alam mong tutulongan kita pag sinabi mo to' sa akin, pero bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil ayaw kitang gamitin! Ayaw kitang gamitin Sharlene." Magkasunod na luha ang pumatak sa mga mata ni Joaquin. Sumikip ang dibdib ko habang tinitignan siyang lumuluha. Mahal ko pa nga talaga siguro siya dahil nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang naghihirap.

"Nandito lang ako Joaquin, nawala man sa'yo lahat pero nandito parin ako."

Wala na akong nagawa nang hatakin niya ako at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong nangulila siya sa akin at hindi ko rin maitatangi na pati ako.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka Shar, mahal pa rin kita."

Sa isang iglap lang, naalala ko si Jairus. Alam kong hindi ito tama pero wala nang ibang makakatulong kay Joaquin kundi ako lamang.

Sa mga sumunod na araw parati ko nang pinupuntahan ng palihim si Joaquin sa Laundry Shop. Nalaman ko rin na nagtratrabaho din siya sa gabi at mas naawa pa ako sa kanya. Sinabi niya sa akin lahat tungkol sa problema niya sa kanyang Ina at kung bakit hindi siya naka graduate. Sa kada kwento ni Joaquin sa akin ng mga bagay na nararanasan niya kasalukuyan hindi ko mapigilang maluha. Dinadalhan ko rin minsan ni Joaquin ng pagkain dahil nalaman kong hindi na pala madalas siyang nakakakain. Masaya akong nakakatulong kay Joaquin pero hindi ko parin nakakalimutan na kasal na ako at nandyan pa si Jairus naghihintay hindi lang sa pisikal kundi pati sa damdamin.

"Shar?" Para akong naalimpungatan habang nagsasalita si Joaquin. Nasa Laundry Shop parin ako at hinatiran ko siya ng kakagawa ko lang na afretada.

"Ah, so anong sinabi mo sa Mommy mo?" Mautal kong tanong.

"Kanina pa yan natin napagusapan iba na ang pinauusapan natin ngayon. Anong problema?"

Muntik ko nang makalimutan sa harapan ni Joaquin para akong isang bukas na libro na kaya niyang basahin.

"May iniisip lang ako."

"Naaalala mo nung nag outing tayo nila Andre at Mika?"

"Oo naman! Masaya tayo nun sa isang maliit na resort." Napangiti ako sa pagaalala ng nakaraan. Nung panahong yun, walang kahit na anong problema ang bumabagabag sa amin. Puro saya lang at walang katapusang tawanan. Gusto kong balikan ang mga panahong wala akong masyadong iniisip.

"Naalala mo nung nag banana boat tayo?"

"Ah! Yung tinulak ka ni Andre tapos na hulog ka?" Nakangisi kong sabi.

"Oo, di ba umiyak ka nun?"               

"Hoy! Hindi ako umiyak nun ha! Nainis lang ako."

"Hindi! Umiyak ka talaga nun kasi nainis ka kay Andre sa pag tulak sa akin akala mo malolonud ako pero nakalimutan mong naka suot tayo ng life jacket!" Tatawa-tawang niyang pahayag. "Kahit nga nung nasa dalampasigan na tayo nainis ka parin kay Andre at hinampas mo siya!"

You're Mine (Jailene)Where stories live. Discover now