VINGT

30 1 0
                                    

Alliana


"Congratulations everyone for a job well done sa naging last project natin!" Our company's CEO gives us a round of applause after the meeting "Nagpapasalamat ako sa lahat ng naging hardwork at effort niyo para maging matagumpay ang ating projects for the past months" Malaki ang ngiti nitong dagdag

Nakaramdam ako ng pagsiko sa gilid ko "Sana may increase tayo..." Bulong ni Eloise na ikinailing ko

"...Im happy to tell you all again na magkakaron tayo ng big project!" Mister Laudicho announces na ikinatuwa namin "And you Architect Cervantes will be going to lead the team who will handle it" Anya na ikinagulat ko

Nagpalakpakan nanaman ang mga kasama namin sa board meeting, habang ako'y di pa rin nakakaget-over sa narinig

"Kyaaaah frenny! Congrats sa first ever big project mo! Kunin mo kong assistant mo ha?" Niyugyog pa ko ni Eloise "Hoy nandyan si Bossing, kakausapin ka" Nag-ayos pa ito ng buhok na akala mo naman nagulo

Napatingin ako sa harap ko nang makalapit na si Mister Laudicho "Architect Cervantes, congrats sa big project mo ngayon" Nakangiti niyang bati

"Sir hindi po ba parang nakakapressure naman po yata itong binigay niyo? I mean---" Di pa ko natatapos sa pagsasalita ng matawa ito

"Architect Cervantes, nakita ko ang naging performance mo ever since naging parte ka ng kompanya kaya hindi ako nagdalawang isip na ibigay ang chance na ito para mas ipakita mo pa ang talent mo" He pats my shoulder "I know you can do this hija just believe in yourself" Pag-eencourage niya sakin kaya grabe yong pagka-overwhelm ko ngayon

"Thank you sa tiwala Sir, sisiguradohin ko pong gagawin ko ang best ko sa project na ito" Ani ko

"I look forward to that hija" Anya "Ipapadala ko mamaya sa office mo ang papers sa new project natin, please excuse us ladies" Pagpapaalam nito samin kasama ang ibang board members

"Oh, my ghaaad! Nanotice na ni Mister CEO ang existence natin!" Nagpaypay pa ng sarili niya si Eloise "Nararamdaman kong magandang project itong ibinigay niya frenny! Kaya dapat galingan natin! Fighting!"

Masaya akong bumalik sa office para ibalita kay Carlota ang magandang balita na natanggap ko ngayong araw

"Hello BumBum?" Wala pang tatlong rings ay sinagot niya na ito, narinig niya pa ang pagtili ko kaya naalerto ito "Bum what's happening?!"


"Bumbum guess what??? I got a big project! At ako ang maghahandle! OMG!!!" Sobrang excited kong balita sa kanya

Nakahinga naman siya ng maayos matapos marinig ang sinabi ko "Im very happy for you Bumbum, you deserve it!" Natutuwa niyang sabi "Let's celebrate later sa condo mo hmmm? How was that?"

"Okay Bum, I'll wait you there haha sige na later nalang baka nakakaistorbo ako sa iyo haha"

"Okay po Bum, see you later I love you" Anya

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago sumagot "I love you too"


Parang nasa alapaap ako ngayon sa sobrang kasiyahan, it feels like nakatadhana itong mangyari ngayon sa buhay ko haha


Una, nagkaroon ako ng Girlfriend

Pangalawa, first ever big project


Di ba? Sino bang hindi magiging masaya kung magagandang bagay ang nangyayari


mon béguinOnde as histórias ganham vida. Descobre agora