DIX-SEPT

19 2 2
                                    

Alliana Quinn Cervantes

"So are you guys okay?" Luxe ask me while we're having our lunch here sa green house ng university

Nagkibit balikat ako "We still didn't talk about it"

Napamaang si Eloise saka itinuro sakin ang tinidor niya "Really now? You have the right to know everything in her past Yana" Napailing ito "Magkakaron ka pa niyan ng trust issues dahil sa ginagawa ng girlfriend mo sa iyo tsk"

"Watch out your words Eloise" Luxe said to her "Pinsan ko pa rin yon"

"Yes,at kaibigan naman natin si Alliana, Luxe" Eloise rebutted "Hindi tama ang ginagawa ng pinsan mo sa kaibigan natin,okay? Hindi porke nagsorry siya eh end of story na" anya "What if may hindi pa pala alam si Alliana then your cousin didn't make any explaination about it again? Ano? Okay lang ulit ganon? That's not how relationship works kasi dapat may communication"

"Pero dapat hindi tayo makialam sa kung pano nila dapat ihandle ang problema ng relasyon nila Eloise" ani Luxe "Let's give them space"

"Whatever" ayaw patalong sabi ni Eloise "But once your cousin did something again, I can't promise na mananahimik nalang ako sa isang tabi at papanoorin kung paano umiyak ang kaibigan natin"

"Enough girls okay? Inaantay ko lang naman na magkwento si Aitana sakin at ayaw ko rin naman siyang pilitin kasi alam kong traumatic sa kanya yong past niya"

Im happy to have friends like them, ramdam ko yong pagiging over-protective nila or namin sa isa't isa kapag may mga gantong eme sa mga love life's namin

Lumipas nanaman ang mga araw hanggang sa dumating na ang nalalapit na naming graduation

Busy ang lahat dahil sa pagpapasa ng mga paper works at thesis para hindi magkaroon ng aberya sa graduation

"Ihahatid na kita" Napalingon ako kay Charlotte mula sa pag-aayos ko ng bag rito sa tapat ng elevator

"Hindi na Carlota magcocommute nalang ako" sabi ko sa kanya, hindi ko kasi nadala ang kotse ko dahil coding

"Carlota nanaman tawag mo sakin eh ang ganda ganda ng name ko" Inis na sabi nito kaya natawa ako

"Eh sa trip ko yong Carlota eh bat ba?" Umirap naman siya sakin

Nandito ako ngayon sa company nila dahil dito ko kinuha ang OJT ko, I didn't also expect na sa kanila pala ito kaya nagkagulatan pa kami nong first day ko rito sa company nila non

At heto nga tapos na ang internship ko sa company nila kaya kinuha ko na rin ang papers ko rito para maipasa ko sa professor's namin

Last day ko bale ngayon kaya medyo ginabi na ako dahil nagkaron pa ng pakain session sa lahat ng OJT's

"I insist Alliana tsaka gabi na rin mahirap na" anya muli nang makapasok kami sa elevator

Napabuntong hininga ako ng alanganin "Hay osige na nga" She smiled at me nang pumayag ako sa alok niya

Naglalakad na kami papuntang parking nang hawakan niya ako sa braso dahilan para mapatigil ako "Why?"

"Pwede ba kong humingi ng favor sa iyo Alliana?"

"Sure Carlota, ano ba yon?"

"Can I hug you?" Mahinang tanong niya pero nakarating naman sa pandinig ko "I will miss you Alliana"

Nangiti naman ako "Aysus ang drama naman nito oh! Magkikita pa naman tayo eh ikaw talaga pero sige na nga pagbigyan baka umiyak ka pa haha" pang-aasar ko sa kanya saka ibinuka ang mga kamay ko indikasyon ng pagyakap sa kanya

mon béguinWhere stories live. Discover now