QUATORZE

33 3 0
                                    

Xandria Aitana Vasquez


"Hindi maaayos ang problema kung tatakbohan o iiwasan mo lang Xandy" pangaral sakin ni Victoria bago magbukas muli ng Vodka bottle at magsalin sa mga shot glass namin

Narito siya ngayon sa condo ko dahil inaya ko siyang uminom ngayon since weekend naman kinabukasan

Sa Bar sana kami iinom pero tumanggi na agad siya dahil ayaw niya magbuhat ng lasing psh

"Ang daling sabihin Vic pero ang hirap" Ininom ko agad ang kakabigay lang niya

Napailing naman ito sakin "But you have to tell her Xandy...Your girlfriend needs to know everything..."

"What if iwan niya ako Vic?" Malungkot na sabi ko habang pinipigilan kong maiyak sa harap niya "Ngayon lang ako uli naging masaya Vic pero bakit ganon? Bakit parang ang hirap?"

Inalo naman niya ako agad nang di ko na makayanan at umiyak na ako

"Its been years Victoria but my past is still haunting me..."




"Ai..." (Love)

"You betray me" May hinanakit na sabi ko sa kanya kaya napahinto ito sa paglapit sakin "Why do you have to do that Arken? Bakit hindi ka nalang nagpakatotoo sakin? Bakit?!"

"Magpapaliwanag ako Ai just please listen to me" Akmang aabotin niya ako pero tinabig ko ang kamay niya

"You disgust me!" Sigaw ko sa kanya "How can you do that to her huh?! Why do you have to hurt her just to be with me?" Lumuluha kong sabi sa kanya

"Simply because I love you Xandria! Ikaw ang mahal ko at hindi siya!"

"At sa tingin mo ba maaatim ko yon? Na nasa akin ka habang siya nasasaktan nang dahil sa atin?"

Yumakap siya sakin para patahanin ako pero pilit ko siyang pinalalayo sa akin kasi hindi ito tama

Nakasira ako ng relasyon nang dahil sa pagiging reckless ko

That one night is a big mistake!

"Come with me Ai, magtanan tayo at magsimulang muli" Napamaang ako sa kanya "May alam akong lugar kung san hindi nila tayo makikita just please come with me" Pagsusumamo nito sakin

"Arken please stop this! Hindi na ito tama! Hindi dapat kita minahal sa una palang kasi hindi ka naman naging akin!"

"Mahal natin ang isa't isa at yon ang mahalaga Ai so please come with me"

He force me to go with him that night para takasan ang lahat at magbagong buhay na kami ang magkasama

On our way there may sumulpot na rumaragasang truck sa kabilang lane na nawalan ng preno kaya nahagip kami nito at naaksidente

I was just 18 that time when it all happens...

Parang bangungot itong paulit ulit kong nararanasan sa gabi at hindi ko malimotan

Ang ibang memorya ko ay hindi ko pa maalala dala ng aksidenteng yon pero hindi ko makalimotan ang lalaking yon

Hindi ko maalala ang mukha niya dahil sa aking panaginip ay palaging ang pag aaway na yon ang aking nakikita

After that accident nanirahan ako sa US para magpatheraphy na rin at malagpasan ko na ang traumang inabot ko sa aksidenteng yon

Hindi ko mamukhaan ang lalaking lumapit sa amin nang gabing yon ni Alliana pero alam kong kilala niya ako base na rin sa pagkakakita niya sakin

mon béguinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang