CHAPTER 6

267 7 0
                                    


GUMISING akong maganda ang pakiramdam, ika apat na araw ko na dito sa bahay nila August kaya naman napag desisyonan ko na magpaalam ng uuwi sa bahay na inuupahan ko, nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ako pinapauwi ni August dahil hindi pa daw naghihilom ang mga pasa ko. Naikuwento ko narin sa kanya ang tungkol sa mga pasa ko pero hindi ko sinabi kung sino ang nasa likod no'n at mabuti naman dahil naiintindihan n'ya ako.

Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag sa kaunting panahon dahil gumagaling na ang mga pasa ko at salamat talaga sa tulong nila tita Asay, sila narin kasi ang nagpumilit sa akin na manatili nalang muna.

"Good morning August" masaya kong bungad dito ng makapasok ito sa kusina.

Andito kasi ako sa kusina nila at tumutulong kay tita na magluto para sa agahan namin.

" Good morning too Elle, masaya ka ata"

"Hindi naman, saka I'm thankful dahil magaling na ako at itong mga pasa ko saka pala I'm planning na ngayong araw uuwi na ako"

" You sure? Baka mabinat ka?" Saad nito at naghila ng upuan at umupo s'ya do'n.

"Yes, saka nakakahiya na kasi dito, ilang araw na rin akong nakatambay at walang ginagawa" tama naman kasi.

Ilang araw din akong hindi nakapasok, buti nalang at sabado ngayon. Pero kahit sa gano'n ay hindi ko parin maiwasang mabahala sa mga maaaring mangyari pagbalik ko.

"Sus oa mo, para ka na rin naman naming kapamilya"

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.

"Tapos na" nakangiti kong saad at inihain ang ulam na niluto ko.

"Nasaan pala si tita?"

"Nando'n sa garden may kausap sa telepono, mauna na raw tayong kumain" I just nooded at kumuha ng dalawang pinggan para sa amin.

Masaya kaming nag kuwentuhan ni August habang kumakain. Paano kaya kapag nalaman n'ya ang nagawa ko 4 years ago?

Iiwasan n'ya rin ba kaya ako? Magagalit rin ba s'ya katulad ng ibang tao?  Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa pumapasok sa isip ko.

"Hey" nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin ako nito.

"Bakit?"

"Anong bakit, bigla ka nalang natutulala d'yan" maarte nitong saad, kaya napatawa naman ako.

"Sorry"

"Araw ng sabado ngayon, ano'ng plano mo?" Tanong nito.

"Tutulong ako sa tindahan n'yo, nakakahiya dahil ilang araw na akong absent"

" Sus ang drama mo, by the way sumabay ka nalang sakin, I'll drop you there"

" Huh bakit, may pupuntahan kaba?" Himala naman kasi sa isang ito at may lakad sa araw ng sabado.

"Yeah, Mag d-date kami ng boyfriend ko" nakangiti nitong saad

"Asus, sige"

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay tita at nagpasalamat dito, sa palengke na ako dumiretso kesyo umuwi sa bahay dahil alas otso narin naman na ng umaga paniguradong marami ng mamimili kapag gan'tong oras sayang naman ang kikitain.

" Salamat August, enjoy ka sa date n'yo" nakangiti kong saad habang kumakaway sa kanya ng makababa ako sa sasakyan nito. Nakangiti naman itong tumango at kumaway rin pabalik bago nag u-turn.

Pagpasok ko palang sa palengke ay ingay agad ang bumungad sa akin at marami ring bumati kapag napapadaan ako. Mababait talaga ang mga tao dito pero minsan hindi rin maiwasan na may nanggugulo.

BULLY'S PREYWhere stories live. Discover now