"W-what happened?" Ramdam ko ang pag aalala sa boses nito.

"P-please I wa-nna g-o h-ome" nahihirapan kong saad at hindi ko na namalayan pa kung ano pa ang kasunod na nangyari dahil biglang dumilim ang paningin ko mabuti nalang at nasalo ako agad ni August.

AGAD akong nagising dahil sa lamig na aking naramdaman, sobrang bigat rin ng pakiramdam ko. Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni August.

"Salamat naman bakla at nagising kana" may pag-aalalang ani nito at umupo sa tabi ko.

"N-nasaan ako?" Nahihirapan kong sambit dahil ramdam kong namamalat ang lalamunan ko. Agad naman akong binigyan nito ng tubig.

"Andito ka sa bahay, nawalan ka kasi ng malay noong isang araw pa. Amelle magsabi ka nga ng totoo, may hindi kaba sinasabi sa akin?" agad akong napaiwas ng tingin dahil ramdam kong seryoso na ito. Hindi rin ako makapaniwala na dalawang araw akong tulog.

"W-wala a-ayos lang ako"

"For God's sake Amellean, halos patayin mo ako sa pag-aalala tapos sasabihin mong ayos kalang?" Medyo tumaas na ang boses nito.

Ayaw ko s'yang madamay.

" S-sorry, I didn't mean to shout you" mahina nitong saad at niyakap ako. Bigla namang tumulo ang luha ko dahil sa gianwa n'ya.

"P-pagod n-na ako, August" napansin kong nagulat pa s'ya dahil sa sinabi ko pero agad ring nakabawi.

"B-bakit?" Hindi ako umimik sa tanong n'ya bagkus ay nag-iwas lang ako ng tingin dito.

"Hays  we will talk kapag maayos kana, kumain ka muna dahil kagabi kapa mataas ang lagnat" napatingin naman ako sa orasan at gano'n nalang ang gulat ko ng makitang alas dyes na ng umaga.

May pasok pa ako.

Napansin naman nito ang pagka taranta ko.

"Hey chill up, tumawag na ako sa university mo at ipinaalam ko na sa mga professors mo na may sakit ka" hindi naman iyon ang inaalala ko kundi si P-paris, paniguradong   malalagot nanaman ako kapag hindi ako pumasok.

Sinubukan kong tumayo pero agad ring napabalik ng upo ng biglang umikot ang paningin ko

"Sabi naman kasing magpahinga eh, kumain ka muna at magpahinga ka, alam mo ba na dalawang araw kang walang malay at ano'ng meron d'yan sa mga pasa mo?"

Kung noon natatakpan ko pa kay August ang tungkol sa mga pasa ko, pero ngayon alam kung nagdududa na ito.

"I wanna rest" mahina kong saad, alam kong narinig n'ya iyon dahil narinig ko ang buntong hininga nito.

"I'll leave your food here, kainin mo 'yan at magpahinga ka, pindutin mo lang itong intercom kapag nay kailangan ka. Sa library lang ako" mahina naman akong napatango. Alam kong ramdam n'ya na umiiwas ako sa mga tanong n'ya.

Malungkot akong nakatingin sa likod nitong paalis. Sorry August.

Umalis na si August at hindi ko alam kung ilang minuto akong naka tunganga, hindi ko mawari na ilang araw pala akong walang malay. Agad kong kinuha ang pagkain na dala ni August kanina at agad iyong kinain dahil ramdam ko ang matinding pagka gutom pagktapos kung kumain ay ininom ko muna ang gamot na ibigay ni August at nagpahinga, gusto ko nalang munang magpahinga at kalimutan ang possibleng mangyari pagbalik ko sa university. Masyadong pagod ang utak ko kakaisip sa mga nangyayari.

Deserved ko ba talagang humantong sa ganito ang buhay ko, gano'n ba kalaki ang naging kasalanan ko para parusan ng panginoon ng ganito? Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ulit ako. Pa ulit-ulit nalang kasi, gusto ko ng sumuko sa lahat.

Pagod na pagod na ang utak ko kakaisip ng paraan para mapatawad ako ng pamilya ko at ni Paris.

Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako ng marinig ko ang boses ni August. Medyo gumaan narin ang pakiramdam ko dahil sa gamot na binigay n'ya.

"Kumain kana" saad nito at ipinatong sa maliit na mesa na katabi ng kama ang dala n'yang pagkain.

"M-maraming salamat August ah, tatanawin ko itong utang na loob sa'yo" hindi ko alam kung saan ako ngayon kung hindi ko nakilala si August na s'yang tanging kaibigan ko lang.

Nakakahiya dahil naabala ko pa talaga s'ya dahil sa kalagayan ko.

"Babawi nalang ako pag magaling na ako"

"Sus ano kaba bakla magpagaling ka nalang d'yan at ng lumakas ka" saad nito at tinulungan akong maupo.

Ngumiti naman ako dahil sa kabaitan nito, balang araw ay makakabawi rin ako sayo August.

BULLY'S PREYWhere stories live. Discover now