“Eh bakit ba kasi kailangan mo pang humingi ng permiso sa isang yun?”

“T@nga ka ba? mag-isip ka nga! Pwedeng gamitin mo rin ang utak mo kahit minsang lang?”

Pigilan niyo ako! Masasapak ko ang babaeng ‘to! Arrrrgghhhh!

“Pwede wag mo muna akong sagutin ng pabalang?”

“Tss. Eh sa hindi ka nag-iisip eh!”

“Diretsuhin mo kasi ako!”

“Tss. Slow ka talaga!”

“Aish. Oo na! Sagutin mo na kasi ako!”

“Nasagot na kita diba? Tayo na nga eh!”

“Arrggghhh! Ano ba!”

Nakita kong parang matatawa na siya. Aarrggghhh! Pinaglalaruan talaga ako ng babaeng ‘to!

[Shy’s POV]

Bwahahaha! Ang kulit ko ba? Eh sa nag-eenjoy ako eh! Hahaha. Kung makita niyo lang siguro ang mukha niya, nakow! Sigurado pa sa sure na matatawa kayo! Namumula na kasi iya eh. Hahaha.

“Mag-isip ka nga kasi!”

“Kung sinagot mo na lang kasi ako ng pormal eh di sana maayos na. hayst. Nevermind na nga lang!”

Waaa! I won! Another 1 point for me. Bwahahah.

Si manong driver pasulyap-sulyap lang samin. Nagtataka malamang. Baka nasa isip na nito ang ‘ganito siguro ang paglalambing ng mga kabataan sa ngayon. Nagsisigawan.’. bwahahah.

Actually, natagalan talaga ako dahil kay Max. Eto kasi ang nangyari eh.

*flashback*

“Tom!” tawag ko sa kanya pagkakita ko sa kanya.

“O Tom.  Tara na?”

“Uhh, Tom, ano kasi eh.”

“Bakit? May dadaanan ka pa? okay lang, sasamahan na lang kita.”

“Ano kasi... uhhm, yep, may dadaanan ako.P-Pero... hindi ka pwedeng sumama.”

“HA? Bakit?”

“Ano kasi... ako lang ang pwedeng pumunta.”

“At ano’ng kabaliwan yan Shy?”

“Eehhh! Kasi naman eh! Nakabitaw na ako ng salita dun sa unggo----“ napatigil ako sa pagsasalita. Patay! Hindi niya dapat malaman na kena Cloud ako pupunta. Siguradong hindi ako papayagan niyan!

“Unggoy no? si Cloud?”

“Ehh... oo eh.”

“BAKIT? ANO NA NAMAN BA ANG GAGAWIN NIYA?” teka. Bakit nagagalit siya? Diba kailan lang tinulungan niya si Cloud?

“Ehh, di pa nga ako nagsasalita, nagsisisigaw ka na diyan.”

“Err. Sorry. Eh ano nga?”

“Tss. Pinapasama lang niya ako sa bahay nila.”

“Ahhh. Ganun naman pala.”

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Where stories live. Discover now