CHAPTER TWENTY EIGHT

41 6 0
                                    

CALVIN POV

Inalis mo ang pagkaka-akbay sa braso ni Jaydrix.

Nakita mong pababa na si Veena na may dalang malaking salamin, kaya naman lumapit kayo agad sa babae at tinulungan nyo itong buhatin.

Naibaba nyo na ito sa sala ng dahan-dahan.

“Baby, anong gagawin mo dyan?”—takang tanong mo kay Veena

“Sandali lang, may mga gamit pako sa itaas, kukunin ko lang!”—wika ni Veena sa inyong dalawa

“Sige po, baby!”

Patakbong lumapit sa inyo si Veena.

“Charan!”—sabay pakita ng make up set sa inyong dalawa ni Jaydrix

Sabay kayong napalunok ng laway ng lalake mong katabi sa sofa.

“B-Baby para saan yan?”—utal mong sambit kay Veena

“V-Veena!”—utal din na wika ng isang lalake sabay turo sa make up at sa mukha nya

“Sayang mga face nyo oh!”—sabay hawak nito sa magkabila nyong baba at sabay na inangat ang pareho nyong mukha

“Baby ayoko!”—sabay iwas tingin sa dalaga

“Isa Calvin!”—galit na suway ng babae sayo

“Sakin, sige ayus lang!”—nakangiting wika ni Jaydrix

“Sabi ko nga po, pwede!”—malungkot mong wika

“Game na!”—masiglang wika nito sa inyong dalawa

Dali-daling nanguha ng sanrio ang babae at tinali ang bagsak nyong buhok.

Nilinis muna ng babae ang inyong mukha.

Nagsimula na kayong lagyan ng babae sa mukha ng foundation.

“Baby, konti lang!”—pagmamaktol na wika mo

“Arte mo!”—wika ng babae habang patuloy na nilalagyan ng foundation mga mukha nyo.

Napapikit ka na lang habang patuloy na nilalagyan ng babae ng kung ano-ano ang mukha nyo ni Jaydrix.

“Mumulat kayo!”

“Lalagyan ko kayo, ng eyeliner!”

Nagmulat naman kayong dalawa ng mga mata at nakita mo ang Eye liner na hawak nito.

“B-Baby masakit yan, wag yan!”—kinakabahan mong sambit

“Hindi promise, dahan-dahan ko lang i-apply!”—Veena

“Trust me!”—dagdag na sambit ng dalaga sabay hawak sa iyong kamay

Sumang-ayon ka naman dito at nagpalagay narin ng eyeliner.

Kasunod nito ay si Jaydrix naman ang kanyang nilagyan.

“Next ay!”—sabay pakita ng lipstick sa inyo ng babae

“Anong gusto nyong kulay?”—tanong nito sa inyong dalawa

“Red!”—sabay nyong wika

Una nitong nilagyan ay si Jaydrix kasunod ay ikaw.

Nahirapan sa pag lagay ng lipstick sayo si Veena dahil salita ka ng salita.

Tinikom mo naman ang bibig mo at nagpalagay narin ng lipstick sa labi, dahil sa kalikutan mo ay nagkalat ang lipstick sa pisngi mo.

“Likot mo kasi, yan tuloy kumalat na!”

Nakatitig ka lang sa mukha ng babae habang pinupunasan ka nito.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now