~•Canteen•~
Naglalakad ka papasok sa loob ng canteen ng biglang hilahin ang buhok mo ng isang babae.
“Aaahhh!”
“Aray!”—malakas na sambit mo
“Masakit ba? HAHAHA kulang pa yan!”
“Ang lakas naman ng loob mo na lasunin utak ni Calvin!”
—wika ng babae habang hawak hawak parin buhok mo“Kaya nga girl, mahiya ka naman di ka bagay kay Calvin”
—sabat pa ng isa nyang kasamang babae“Tingnan mo nga itsura mong babae ka!”
Pinagtulungan kang sabunutan ng dalawang babae.
Hindi mo magawang lumaban dahil magisa ka lang maraming nakatingin na estudyante sayo pero ni isa ay walang umawat.
Dahil narin siguro takot sila at ayaw nilang madamay sa gulo.
“Tama na, tama na please!”—umiiyak na sambit mo sa dalawang babae
Wala kang nagawa kundi umiyak.
Habang ang dalawang babae ay patuloy parin sa pagsabunot sayo.
Akmang sasampalin ka na ng isang babae, kaya mariin kang napapikit at hinintay na dumampi kamay niya sa mukha mo, pero hindi ito nangyari.
CALVIN POV
Papasok kana sana sa loob ng classroom nyo ng marinig mo boses ni Veena.
“Aaahhh!”
“Aray!”
“Si Veena yon!”—sabi mo sa isip
Dali-dali kang tumakbo palabas ng classroom at nagtungo kung saan naroon ang dalaga.
YOUR POV
Iniintay mong may dumampi sa mukha mo pero wala kang naramdaman.
Nagmulat ka ng mata at nakita mo ang lalakeng hawak ang kamay ng babaeng sasampal sayo.
“Wag nyong sasaktan si Veena!”—cold na wika ng lalake
“Ako ang makakalaban nyo!”—mariin na sambit nito
“Aray, bitiwan mo ko, ano ba?”—nakangiwing sambit ng babae
Nakatulala kang nakatingin sa lalakeng nagsasalita.
“Veena! Tara na?”—sabay hawak sa kamay mo
“Pero? Hindi kita!—
Di na natapos sasabihin mo sa lalake ng biglang dumating si Calvin kitang kita mo na pawis-pawisan ito, marahil ay nag-tatakbo.
“Veena! Ayus ka lang ba?”—hingal na wika ni Calvin sayo
Napansin mong napatingin si Calvin sa lalakeng may hawak sa kamay mo at sa dalawang babaeng pinagtulungan ka.
“Veena, sino sila?”—takang tanong ni Calvin
“Anong nangyari sa buhok mo?”—wika ni Calvin
“Bakit ka umiiyak Veena? Sagutin mo ko?—naguguluhang tanong ni Calvin sayo
“At sino sya?”—sabay turo sa lalakeng may hawak sa kamay mo
Di mo magawang mag salita dahil di mo alam ang iyong sasabihin.
“Tara na, Veena!”—napatingin ka sa lalakeng nagsasalita
Hinawakan ni Calvin kabila mong kamay.
“Veena! iuuwi na muna kita sa inyo, tara?”—wika ni Calvin
Napatingin ka kay Calvin habang hawak din kabilang kamay mo.
“Hindi brad, sakin sasama si Veena!”—wika ng lalakeng di mo kilala
“Hinde ka nya kilala bro, ako na!”—mariin na wika ni Calvin sa lalake
Nagtitigan ng masama ang dalawang lalake at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay mo ng dalawa.
YOU ARE READING
MR.COLD GUY IS INLOVE
RomanceHe used to be cold person in others but one day, he fell in love to the girl named Veena. He changed because of her presence.