May narinig ka sa labas na kotse kaya naman binuksan mo pinto ng kabinet.

Napahinto ka lang, ng hawakan ni Veena kamay mo, kaya napalingon ka sa kanya.

“Saan ka pupunta?”—pabulong na sambit ni Veena

“Titingnan ko lang sa may bintana, babalik din ako!”

Agad naman binitawan ni Veena kamay mo kaya nagtungo ka sa may bintana para silipin kung sino ang naroon sa labas.

Sumilip ka sa may bintana sa kwarto ni Veena, at nakita mo ang sasakyan mong pinahiram sa tropa mong si Kahel.

“Shit! Anong ginagawa ni Kahel dito?”—takang tanong mo sa isip

Napansin mo ring kasama ng tropa mo ang bestfriend ni Veena.

Patakbo kang bumalik sa cabinet kung saan naroon si Veena, at pumasok ka sa loob nito.

“Veena! Nandito tropa ko pati bestfriend mong si Liah!”
—kinakabahang wika mo

“Anong ginagawa nila dito, at bakit magkasama si Liah at ang tropa mo?” —takang tanong ng babae

“Hindi ko rin alam Veena!”

YOUR POV

“Hindi nila tayo pwedeng makita ng magkasama, anong gagawin natin Calvin?” —kinakabahang wika mo sa lalake

“Hindi ko rin alam”

Nakarinig kayong dalawa ng phone na tumutunog sa baba.

“Calvin yung phone mo!”

“Hindi sakin yon, wala akong dalang cp nung, pumunta ako dito!” —Calvin

“Yung phone ko, may tumatawag!”

Halos mapalunok na kayo ng laway sa kaba.

Narinig nyong dalawa na meron nag tatawag sa labas.

Nagkatinginan kayong dalawa ni Calvin.

“Patay na!” —wika mo sa lalake

LIAH POV

Kanina mo pa tinatawagan si Veena, ngunit hindi ito sumasagot sa halip ay patuloy lang nag ri-ring ang phone nito sa loob ng bahay at kanina parin kayo nag tatao-po sa bahay ngunit walang sumasagot.

“Liah! Tara na?”—Kahel

“Mukhang wala naman, tao dito!” —Kahel

“Hindi, nandito ang phone ng bestfriend ko!”

“Baka naiwan lang nya, tara na!” —Kahel

“Wait!” —napaisip ka saglit

“Bakit?” —naguguluhang tanong ni Kahel sayo

Naalala mong binigyan ka ng susi ng best friend mong si Veena sa bahay nila, para pag gusto mong pumunta ay makakapasok ka lang agad sa loob ng bahay nito.

“I have a spare key!”—wika mo kay Kahel

“Papasukin natin, ng walang paalam bahay nila?”—tanong ni Kahel sayo

“No choice eh!”

“Kaylangan natin masigurado na safe bestfriend ko!”
—nagaalalang sambit mo sa lalake

Agad mo binuksan ang pinto gamit ang susing binigay sayo ng bestfriend mo.

Nakapasok na kayo sa loob ngunit walang tao, chineck nyo na lahat ng silid sa baba, pati narin sa cr ngunit wala kahit isang anino ng tao dito.

Ang di nyo nalang na titingnan ay sa taas, kung saan ang kwarto ng bestfriend mo at ang kwarto ng parents nito nakalagay.

Nagkatinginan ulit kayong dalawa ni Kahel at umakyat sa itaas.

YOUR POV

Nakarinig kayo ng yumayapak sa hagdan.

Nagkatinginan kayo nito at sabay napalunok ng laway.

“Andito na sila!”—pabulong na wika ni Calvin

Bumuntong hininga ka bago nagsalita sa lalake.

“Calvin, may plano ako!”—bulong mo sa lalake

“Ano?”—naguguluhang wika sayo ng lalake

“Magpapakita ako sa kanila, tumago ka sa ilalim na kama ko” —mahinang wika mo

“Bibilangan kita ng tatlo!”—dugtong na wika mo pa

“Sige!” —tumango-tangong sambit ng lalake sayo

Narinig nyong dalawa na gumagalaw ang doorknob sa pintuan ng kwarto mo.

1

2

3

“Calvin, ngayun na!” —mahinang sambit mo

Pagapang na sumuksok si Calvin sa ilalim ng kama mo at agad naman itong nakapwesto sa ilalim ng kama.

Kasabay nito ay ang pagbukas, ng pintuan sa kwarto mo.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now