Chapter 53 A Joke? Or Not?

Start from the beginning
                                    

"J-Jared..."

"Hmm?" ?__?

"Paano mo nalaman na kina Vevien ako..." natigil ako sa kakasalita dahil bigla na lang niyang inilapat ang isang daliri sa bibig ko. Pinatahimik niya ako gamit nun.

"Ssssh..." muli na naman niyang ibinulsa ang mga kamay. "It's still a secret but you have nothing to worry. Your secret is safe with me." ^__^

Ayokong pagdudahan ang kabaitan niya... Naniniwala na ako sa kanya!

"S-sige... T-thank you Jared." Huminga ako ng malalim. Parang sumisikip parin kasi itong dibdib ko.

"Meg..."

"Hmm?" ?__?

Inilahad niya ang isang kamay. "Can we still be friends after this?"

Yung ngiti ko ay mas lumapad. Matapos ang lahat, naging magkaibigan pa kaming dalawa.

"Oo naman!" I nodded. "Friends." tinanggap ko ang kamay niya. Hindi ako nakapalag sa sunod niyang ginawa. Pagkaabot ko kasi sa kamay niya... hinila niya ako papalapit sa kanya. Niyayakap niya ako ngayon, sobrang higpit ng yakap niya.

"J-Jared..." Pinilit kong makawala sa yakap niya pero wala talagang panama ang strength ko sa strength niya.

"Pwede ba ganito muna tayo?" ang lamlam ng boses niya. Sobrang lungkot.

"P-pero..." >///<

"Please... Just don't move... It's the only thing you can do to make me happy... I'm begging you not to move."

Ikinurap ko ng ilang beses ang mga. Para kasing gusto kong umiyak. Tango na lang ang ginawa ko. Ramdam ko ang kalungkutan niya.  Kaya naman gumanti na rin ako ng yakap.

Sa pagkakataong ito, hahayaan ko siya. Kung ito lang ang tanging paraan para gumaan ang loob niya... Gagawin ko!

Matapos ang ilang sandali, kumawala na siya sa akin. Sa pagkakataong ito, nakangiti na siya. At isa pa nga palang napansin ko sa kanya, ang pula ng mga mata niya.

Hindi ko na lang tinanong, nakakahiya naman kung gagawin ko pa yun. Double torture na siguro yun! >__<

"Tss! Thank you." bigla niyang ginulo ang nananahimik kong buhok.

"Jared naman e!" >__<

"Kabayaran iyan sa pananakit mo sa puso ko!" Ayan na naman ang looks niyang mapang-asar.

Aish! Sa pagkakaalala ko pati ako nasaktan din naman! Ang tinding kabayaran a! Maliban sa joke, may pahimas-himas pa sa ulo! >3<

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now