the end is the beginning

125 11 1
                                    

A/N

this is it pancit. hindi pa  ending 🤣 mag enjoy lang tayong lahat. 😊

_______________
Tamara POV




"tamara gising na!!!" nag talukbong ako ng kumot ng marinig ko ang boses ni cathy!

gosh! inaantok pa nga ako tapos gigisingin nya ako?

"ano ba tamara!? hindi kaba babangon dyan? huwag mo hintayin na tawagin ko si madison dito para buhatin ka namin at paliguan!" inis na sambit nito.

inis na tinggal ko ang kumot ko at tinignan ng masama  si cathy   na nagkapameaang pa habang nakatingin saakin.

"damn you!!"  inis na sambit ko at mabilis na dinampot ang unan  at binato sakanya.

"sadista ka talaga kaya hanggang ngayon walang nag lalakas luob na ligawan ka! tsk!" sambit nito at inirapan pa ako bago lumabas ng kwarto ko.

napairapan nalang din ako at inis na tumayo upang mag ayos na.

may pupuntahan nga pala kami ngayon.

ayysst... its been 5 years.

5 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay sariwa padin ang lahat. masakit padin at nakakalungkot.

pagkatapos kung maligo at mag bihis ay bumaba na ako.

pagbaba ko ay napahinto ako sa may hagdan ng makita ko sila.

ang ingay nila.

"sino nanaman yang ka text mo? kabit mo nanaman ba!? " tanong ni maddison kay leslie habang salubong ang dalawang kilay.

namutla naman agad si lesie at mabilis na umiling

napailing nalang ako. hindi padin nag bago. takot padin kay maddison.





ayysstt under....





pero, well masasabi kung kahit selosa si maddison at under lagi si leslie ay masasabi kung strong ang relationship nila.  ang totoo nga nyan ay may isa na silang anak. girl and  3 years old na ito.

I'm happy for them.

napatingin naman ako kay cathy na halos maiyak na dahil yung mansanas na kinakain nya ay laging si irine ang kumakain. well buntis kasi si irine at pinaglilihian nito ay mansanas. gosh!

well kasal na din ang dalawa. 2 years na silang kasal, pagkatapos nilang mag pakasal ay nag punta agad sila ng ibang banda upang isagawa ang IVF para magbuntis si irine. and successful naman dahil ito na nga, buntis na si irine,  8 months preggy na ito.

"love paano naman ako? gusto ko ding ng mansanas" naluluhang sambit ni cathy kay irine.

tinaasan ng kilay ni irine si cathy
"edi  ikaw sana ang mag buntis! para hindi ka mag reklamo!" masungit na turan nito kay cathy.

kawawang cathy, ilang beses nalang nakakakain ng mansana at kung minsan palihim pa syang kumakakain.

"pambira" sambit ko nalang sa hangin bago mapadako ang tingin kay lori na may kausap sa phone.

"pwede bang tigil tigilan mo na ako!?  wala tayong dapat pag usapan at mas lalong wala akong pakikinggan!" inis na sambit nito sa katawag.

napapansin ko lately pag magkakasama kami ay lagi syang may kausap sa phone nya at lagi syang badtrip.

ano kaya ang problema nito at sino kaya ang laging kausap nya at ganun nalang ang pagkainis nya.

napailing naman ako at napatingin kay vice na nag aalaga ng bata.

who you? (GXG)Where stories live. Discover now