"Ace... ang kulit!" Pinalo pa niya ako sa dibdib pero hindi ako nagpaawat. Muli ko siyang hinalikan but this time I intrude my tongue inside her pretty mouth. Nag-alangan siya noong una pero nang lumaon ay nadala na rin siya at mahigpit pang humawak sa t-shirt ko. Kissing her making me lose my sanity. Halos maubusan kami nang hininga nang biglang sumigaw si yaya Paning mula sa komedor! Shit!

"Ayan kasi!" Nangingiti pang sabi niya sabay kagat sa labi niyang pulang-pula na dahil sa halik ko.

"I'm sorry, pumpkin. I just can't watch you walk out here without doing this." I kissed her once more before she even left me with a pretty smile on her face. Darn it! I just wanna wrap and cuddle her in bed. This love thing is surely having a toll on me.

Big time.

********

JANELLA RAYNE's POV

Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag ang relasyon namin ni Dalton. Basta't ang alam ko lang ay hindi ako naging ganitong kasaya sa buong buhay ko. Mukhang sincere naman siya kahit na nga minsan feeling ko ay gusto lang niya akong manyakin. Maloko talaga.

Hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang parents ang tungkol sa amin dahil hindi pa raw siya makakuha nang tiempo lalo pa nga't sobrang abala din ni señor Antonio sa kanilang mga negosyo. Pero gan'un pa man ay hindi ko pa rin maiwasang magselos sa tuwing dadalawin siya ni Eleonor. Ramdam ko namang pilit niyang iniiwasan 'yung babae pero wala lang din siyang magawa dahil nga wala pang alam ang parents niya.

"I think you should go home, Elle. I really want to sleep." Narinig ko pang sabi ni Dalton matapos niya akong tapunan ng tingin pagkababa ko ng juice na hinihingi ni Eleonor kanina pa.

"I want to sleep with you tonight. It's been a while you know-" Sumandal pa siya sa dibdib ni Dalton at hinimas-himas ang tiyan nito.

Napaawang lang ang labi ni Dalton sa pagtingin sa akin at mabilis na kumalas sa hawak ni Eleonor. Kinakain ng selos ang puso ko at parang gusto kong maiyak nang wala sa oras. Naglakad ako palayo sa kanila at nagkubli sa may dining area. Hindi man malakas ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila.

"I can't Elle. Please." tila irritable pang sabi ni Dalton pero hindi ko pa rin makuhang ngumiti. Ayoko ng pakiramdam na may ibang babaeng malaya siyang hawakan pero ako ay hindi ko magawa dahil sa pag-aalalang malaman agad ng parents niya. Naiintindihan ko naman kung bakit gan'un na lang ang takot niya sa kanyang papa. Strikto si señor Antonio at batas ang bawat salita niya. Hindi ko naman din siya masisi kung bakit gan'un na lang ang takot niya dahil siya lang ang nag-iisang tagapagmana at pressured talaga siya sa mga responsibilidad.

"What the hell is wrong with you?! Ilang months ka na ganyan a!" Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Eleonor. Saglit akong sumilip sa kinalalagyan nila at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Dalton.

"This is not working, Eleonor. I think you better go." Pasupladong sagot lang ni Dalton sabay hugot nang malalim na buntong-hininga. Sinimplehan pa niya ng senyas si kuya Geron na noon pala ay nasa kabilang side lang at may hawak pang kape.

"We're not done talking, Dalton!" Nabasag ang kanyang boses at hindi ko alam kung maiiyak ba siya o papaano. May bahagi sa aking naaawa sa kanya dahil tulad ko ay nagmamahal lang din siya. Ang pinagkaiba lang ay kasama niya si Dalton dahil sa kagustuhan ng parents niya. Ako kaya? Mahal ba talaga niya ako? Haist Janella Rayne, ngayon ka pa ba magduda kung kailan parang aso siya makabuntot sa'yo? "May iba ka na naman ba? Tell me!" Asik pa ni Eleonor. Bakas sa boses niya ang desperasyon.

"Can you please leave." Lukot na lukot pa rin ang mukha ni Dalton na para bang any moment ay magwalk-out na siya. Nai-imagine ko tuloy kung papaano niya itrato ang mga babae niya pagkatapos niyang makuha. Hindi kaya magkaganito din ako pagdating nang panahon?

"We're getting married anytime soon, Dalton! And you knew that you can't just treat me like shit!"

Napaismid lang siya at parang hindi man lang pansin ang banta sa boses ni Eleonor.

"Good night, Elle." Tinanguan pa niya si kuya Geron at mabilis na inilapag ang kape niyang hawak sa side table sa gilid ng sofa.

"I can take care of myself!" Padabog pang naglakad si Eleonor at sinundan lang siya nang tingin ni Dalton na nakaupo pa rin sa sofa.

Nang tuluyang mawala sa paningin niya 'yung babae ay bigay todo niyang isinandal ang likod niya sa sofa at hinimas-himas ang pagitan ng kanyang kilay. Tanga na lang talaga ang babaeng hindi mababaliw sa kanya. Lahat na lang nang pagkilos niya ay sobrang nakakagwapo sa paningin ko. Kahit pa ang simpleng pagkunot ng noo ay nakakalusaw na nang lakas ko. Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang bigla siyang tumayo at pumunta sa gawi ko. Nagmamadali akong lumabas sa may kusina sa pag-aakalang hindi niya ako napansin. Pero gan'un na lang ang gulat ko nang biglang may humablot sa braso ko at pag-angat ko ng mukha ay ang magaganda niyang mga mata ang nasalubong ko.

"Come." Malambing pang aniya at hinila niya ako papunta sa may likuran ng mansion. Malawak ang kanilang bakuran at napapaligiran din ng iba't-ibang klase ng mga halaman ang buong paligid. Sadyang mahilig sa halaman si señora Alona at kadalasan pa nga ay siya rin ang personal na tumitingin sa mga iyon. Nalagpasan namin ang pagkalaki-laki nilang pool at mas pumalikod pa kami. Parang alam ko na kung saan niya ako dadalhin.

"Saan ba tayo pupunta? Baka may makakita-" Alalang sabi ko pa at napalinga sa paligid namin. Ang alam ko ay may CCTV sa bawat sulok ng mansion. Nakalalamang na may makakita sa amin at kapag hindi kami nag-ingat ay mabubuking kaming dalawa!

Umismid lang siya at hindi nagsalita. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa pakay niya. Ang nag-iisang pinakamalaking puno sa likuran ng mansion kung saan ay may tree house. Sa kuwento ni nanang ay paboritong laruan ni Dalton iyon noong kabataan niya. Buong-buo pa rin 'yun at may wood spiral stairs paakyat sa bahay-bahayan niya.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tiningala ko pa ang tree house na never ko pang naakyat at ayaw daw pinapapuntahan ni Dalton kahit kanino.

"Bahay-bahayan natin." Natatawa pang sagot lang niya sabay hila na naman sa akin palapit sa hagdan.

Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod dahil sa haplos pa lang ng kamay niya sa balat ko ay tila ako robot na napapasunod na lang.



to be continued...



********

A/N

Gusto ko lang po pasalamatan ang isang tao na nakatuwang ko sa feels ko kay Dalton Ace. She probably knew who is she and i won't be mentioning her name. Just thank you for everything.



PAHABOL NA ANNOUNCEMENT! HEHEHE

Unang-una, sorry! hahahaha! by accident po ay napindot ko ang Publish ng 16.2.2 pero wala pa pong UD talaga hehehe. So, yun. sarey hahaha!







TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now