"That is not even a problem, pumpkin. He won't tell." Bahagya pa niyang pinisil ang aking pisngi at agad na kinuha ang extra helmet na nakasabit sa kanyang motor.

"Naka-skirt ako, paano ako sasakay d'yan?" Ngumuso ako at hindi ko pa rin maisip kung papaano ako sasakay doon.

"You can just ride me on the front, you know?" Nakakaloko pa siyang ngumisi at parang nakuha ko na ang kahalayang ibig niyang sabihin.

"Pervert."

Napahalakhak lang siya ng malakas at agad na isinuot sa akin ang helmet.

"Bakit kasi 'yan pa ang dinala mo?"

"I felt much more invisible with my bikes." Kumindat siya sa akin at matapos ay bahagya pa niyang kinatok ang helmet ko. Agad din niyang hinubad ang kanyang suot na leather jacket at kuminang ang kanyang leeg sa kwintas niyang may cross pendant na gustong-gusto kong nakikitang suot niya. Lumitaw nang husto ang kakisigan niya sa suot na v-neck fitted shirt at parang gusto kong haplusin ang kanyang matipunong dibdib.

"Just put this in your legs, okay?" Iniabot niya sa akin ang jacket at noon na siya sumakay sa kanyang motor. Sumenyas siya sa kanyang likuran at wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Napasulyap siya sa naka-exposed kong legs at napasipol. Sinapak ko siya sa likod at napahalakhak lang siya nang malakas.

"Damn, pumpkin... Those legs—"

"Shut up!" Sinapak ko lang ulit siya sabay itinaas ang dalawa niyang kamay.

"My bike is so lucky!" Umismid pa siya at tumingin sa side mirror. "Hope you can straddle your legs like that with me, pumpkin."

"Bastos!" Nag-init nang husto ang mukha ko sa ibig niyang sabihin at wala akong masabi sa kapilyuhan niya. Ang manyak talaga! Pasalamat na lang siya at gwapo siya at binabagayan ang kapilyuhan niya! Aish!

"I was just kidding, okay? Ang sensitive naman!" Nilingon niya ako sabay ngumuso. "Pero puwede rin namang hindi."

"Asa!" Sabi ko pa at napailing lang siya. Noon na rin niya ini-start ang motor. Inayos ko na rin ang leather jacket niya sa legs ko at natakpan naman nang maayos ang dapat na matakpan.

"Wrap your arms around me. Right here, pumpkin." Kinuha niya ang kamay ko at iniyakap sa kanyang baywang. Agad na nanuot ang kanyang pabango sa aking ilong at parang gusto kong malasing nang wala sa oras. Ang gwapo na! Ang bango pa! Kasalanan na ito!

"Kaya pala motor ang dinala mo, Ace. Ibang klase kang mag-isip." Umismid ako at mahina lang siyang napatawa.

"I'll grab every opportunity just to have your arms around me, pumpkin. But once I saw that asshole again touching you anywhere in your body, I'll definitely break his arms. Or worse, he will have his balls on his mouth." Bahagyang sumeryoso ang kanyang mukha at ibinaling na sa daan ang kanyang tingin.

"Siraulo ka talaga."

Umismid lang siya at hindi ko na rin nakuhang sundan pa ang sinabi ko dahil pakiramdam ko ay gustong sumabog ng puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang mahal ako ng lokong ito.

"Hold on tight." Aniya at noon na pinaarangkada ang kanyang motor sa daan.

At ngayong nakasakay ako sa kanyang motor ay parang mas lalo akong na-inlove sa kanya. Katulad ni Danzel, ang macho ng dating! Hindi ko maiwasang kagatin ang labi ko dahil pakiramdam ko ay mas gusto ko pang higpitan ang yakap sa kanya.

Seryoso siyang nagmamaneho at pasulyap-sulyap lang siya sa front mirror. Paminsang ngumingiti siya sa akin pero wala naman sinasabi.

Pero sa halip na pauwi ay napansin kong tila pabalik kami sa daan patungong opisina? Huh?

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now