chapter 1

60 7 0
                                    

Rylee's Point of View

"What is that poor, weird guy doing in my house?" Ma-awtoridad na mungkahi ni Kendric ng sandaling makalapit ito sa kinauupuan namin.

"What are you saying Kuya? Bakit napaka sama mo sa kaibigan ko." Pagpipigil pa ni Smoke kay Kendric.

Ngunit ang kaninang kasiyahan sa puso ko ay napalitan ng pagkahiya, pagkayamot.

Nararamdaman konarin ang paginit ng pakiramdam ko at pagkamanhid ng paa ko.

Napa yuko nalang ako at saka naabalik ang titig ko sa mesa. Napansin ko rin ang pagtayo ni Mrs. Bob kasunod ang isang malakas na sampal.

"How dare you say that to Rylee! Para na siyang kapatid mo tapos gaganyanin mo?" Galit na wika ni Mrs. Bob.

"Why would I respect that Guy? Oh! Nakalimutan mona ba? Na tatay niya ang pumatay sa Lolo ko?" Madiin na sabi ni Kendric sa buong boses.

Sa lakas ng sampal ni Mrs. Bob sa kaniya ay hindi ko man lang naramdaman ang pagka apektado roon ni Kendric.

Sa mga binitawan nitong mga salita ay tuluyan akong napayuko sa hiya.

"Hindi yan totoo!" Sigaw muli ni Smoke. Sa agkakataong ito ay napatayo nalang din ako sa kinauupuan ko.

"Ayos lang po Mrs. Bob, ako nalang po ang aalis." Mahinahon kong sinabi iyon habang naka tingin kay Mrs. Bob at pinipigilan ang luha sa aking mata.

"Buti naman, and don't ever come back here." Muling wika ni Kendric.

Akmang papatulan na sana ito ni Smoke ng hinawakan kona ang kamay ni Smoke.

"Ayos lang, sige see you sa school bukas ah!" Pilit akong ngumiti at saka napatingin kay Smoke.

Sa hindi ko mapigilang bagay ay agad akong tumakbo sa harap mismo ni Kendric at saka patuloy na tinahak ang pinto.

Sinubukan akong habulin ni Smoke at pigilan ni Mrs. Bob pero hindi na ako nagpatinag.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto ay agad kong tinungo ang labas ng bahay nila at saka pumara ng taxi.

Saktong mayroon naman kaya agad akong nakasakay. Naroon sa may likoran ko si Smoke. Nakatayo ito sa may gate.

Wala narin kasi siyang magawa dahil nakalayo narin ako.

Ayoko maging bastos sa harapan nila, pero ayoko rin umiyak sa harapan nila kaya ginawa ko nalang ang bagay na iyon.

Bakit ba ayaw makalimutan ni Kendric ang pangyayaring iyon. Bakit palagi niyang inaalala ang pqnahong isa rin sa nagpalugmok sa akin.

Nang gabing iyon ay hindi lamang lolo niya ang nasawi kung hindi ay pati rin ang tatay ko.

Matagal ng driver ng pamilya nila ang tatay ko, at isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari ng gabing iyon.

Papunta sila sa birthday ni Kendric pero hindi na nakarating ang mga ito ng nasagasaan sila ng isang kotse rin na nawalan ng preno.

Simula ng araw na iyon ay kinamuhian na ni Kendric ang buong pagkatao ko. Niyurak at inapakapakan.

Akala niya kasi kasalanan iyon ng tatay ko, alam niya ang nangyari pero bakit palagi niyang dinidiin ang tatay ko.

Inosente siya, Inosente.

Makaraan ang ilang oras ay nakarating rin ako sa bahay namin, taliwas sa dati kong pagdating ay tahimik ang bahay.

Nasaan naman kaya si mama? Hindi ko wari pero hindi ugali ni mama ang hindi umuwi lalo na't gabi na ngayon.

"Mama?" Pagtawag ko sa kaniya ng makapasok ako sa bahay, nasaan naman kaya siya.

Nayanig ang buong pagkatao ko ng madatnang nakahilata na si mama sa sahig sa may sala.

"Mama!" Isang malakas na sigaw ang aking nabitawan.

Dali dali kong pinuntahan ang kalagayan ni mama at saka ito inakay patungo sa sofa. Agad kong inihiga ang katawan niya roon at saka dali daling kumuha ng tubig at gamot.

May sakit si mama sa puso, isa din kasi yun sa kahinaan ni mama. Ang puso niya.

Matagal niya ng ginagawa ito. Dahil sa kakapusan sa pera ay minarapat niyang isakripisyo ang budget na para sana sa gamot niya para lamang mapag-aral ako.

"Anak, ayos lang ako." Tugon ni mama sa napaka hinang tunog.

Tuloy ay nagsitayuan ang aking balahibo saka tumalukbong ang luhang kanina kopa pilit na pinipigilan.

"Mama naman e, Hindi ba't sinabi kong inumin mo ang gamot mo?" Anang sabi ko kay mama sa umiiyak na boses.

Ngumit lamang si mama at saka hinaplks ang aking pisngi. Tuloy ay lalong dumausdos ang luha sa aking pisngi.

"Nay, alam kong kapos tayo. Pero hindi niyo puwedeng pabayaan ang saoit ninyo. Hindi ko kayang wala ka." Tugon ko rito.

Tumango tango nalamang ito at saka ko ito hinagkan ng yakap.

Wng kaninang luha ay nanatio sa ganoong posisyon hanggang sa matuyo na nga ito.

Ang bilis ng oras. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na pala ako roon sa may sofa katabi si mama.

Mamalat malat pa ang aking mata ng ibuka ko ito. Umaga na. Pero hindi ko nakita si mamang nasa tabi ko.

Tuloy ay agad akong napabagon at saka nasigaw ang pangalan ni mama.

"Mama!" Isang malakas na tunog na bumulalas sa bibig ko. Nasaan na siya?

Agad akong tumakbo sa may kusina hanggang roon ko nga siya matagpuan.

"Oh anak, gising kana pala. O eto pagkain, kumain nat makapasok kana sa school." Aniya pa.

Naibsan tuloy ang kaba sa puso ko at napahingang malalim ng maka-upo ako sa upuan.

"Kumusta po ang puso niyo?" Tanong ko kay mama. Napatigil ito sandali sa paghahain at saka rin bumalik sa agaayos.

"Ayos lang ako anak, huwag mokong alalahanin." Wika nito.

"Pero, inay. Hindi ba't dapat na ipa konsulta nayan sa doktor?" Tanong ko rito kays tuluyan na siyang napatigil sa paghahanda ng pagkain.

"Anak, itabi mona lsng yung pera mo, gastos lang yan." Aniya nito.

"Inay naman, nawala na sa akin si papa, ayokong ganon ka rin." Tuloy ay napatitig sa akin si mama.

Ramdam ko ang lungkot sa mga mata nito. Matang nangungusap. Alam kong pagod na si mama. Alam kong hindi niya na kaya.

"Ma, titigil na ako sa pag-aaral." Tuluyang natahimik si mama ng mairnig ang mga sinabi ko.

"Magtatrabaho nalamang ako para may mwipagamot ako sayo. Totwl malaki na ako. Kaya kona magtrabaho."  Dagdag ko.


To be continued
Please don't forget to vote!

The Playboy's Omega [ Hermaphrodite Series #1 ]Where stories live. Discover now