Napasigaw sa sakit yung lalaki.


Tinanggal niya ang mask ng lalaki. Pati narin ang gogles nito. Nakahinga ito ng maluwag nang makitang hindi niya kilala ang lalaki. Pero namumukhaan niya ito. Ito yung nakita niya noon sa may billboard sa may malapit sa SM Megamall. Si Sean O'Pry.

Napangisi nalang si Daniela. Hindi niya alam na isa palang assassin ang modelong ito.

Tumayo na ito sa pagkakaluhod sa ibabaw ng lalaki nilibot nito ang tingin sa kabuuang tahimik na hallway. Sa magkabilang dulo ay may mga cctvs.

Kinuha niya ang fone niya at tinawagan si Athena. "Athena go here as fast as you can. May trabaho kang dapat na gawin."

Binunot nito ang baril na may silencer sa beywang at pinaputukan ang isang cctv sa kaliwa kung saan ang nakadestino ang kwarto nila Lui at kung saang parte ay madilim.

Naglakad ito sa right wing ng hallway. Mabuti nalamang ay sarado na at patay na ang ilaw sa nurse's station kaya walang nakakita sa kaniya. Binaril na nito ang cctv at bumalik na sa kaninang tinatayuan.

Nilibot nito ang tingin sa kabuuang hallway. Tahimik at wala nang tao. Kung normal na tao kamang siya ay marahil natakot na siya ngayon dahil mag-isa nalamang siyang nasa nakakatakot na hallway. May patay na tao pa. Pero hindi siya normal na tao. She is a Mafia Boss. Wala siyang kinakatakutan.

Biglang lumabas si Zack sa kwarto ni Lui. "Love? What are you-?" napatingin ito sa nakahandusay na lalaki. Kumunot ang noo nito at takang tumingin kay Daniela. Parang sinasabi nitong 'is he crazy or what'. Akala niya kasi ay nakahiga lang ito sa sahig, wala kasing dugo ang umaagos mula sa katawan nito.

"He's dead." ani Daniela at tinaas ang ice pick na hawak.

Kumunot pa lalo ang noo ni Zack. "Did you just killed an innocent doctor?"

Ngisi lang ang sagot ni Daniela bago tumalikod. Bigla namang dumating si Athena kasama si Poseidon.

"Athena, delete all the cctv record this evening. I want this work to be clean, understand?"

Tumango si Athena. Napasulyap pa ito sa lalaking nakahandusay. "Who is he?"

"He sent that dumb assassin here to kill me." pagkuwa'y ngumisi ito.

Tumango lang si Athena at inutusan na si Poseidon na akayin ang lalaking nakahandusay.

Hinarap ni Daniela si Zack na nakakunot parin ang noo.

"Why didnt you called me?!" pabulong na singhal ni Zack kay Daniela nang makalapit na si Daniela sa kaniya.

Humalukipkip si Daniela. "Kaya kong tapusin 'yon ng mag-isa. As you can see." sabi nito at tinuro si Poseidon na buhat na na parang sako ang bangkay ng lalaki. Kumaway pa ito kila Zack bago tumalikod at tumakbo pababa sa fire exit.

Humarap ulit si Daniela kay Zack.

"Kahit na!" inis na singhal ni Zack.

Nawala ang pilyong ngisi ni Daniela at napasimangot kay Zack. "What the fvck is your problem?!" paos na singhal ni Daniela.

Simangot na simangot na si Zack at halos maging isang straight line na ang makapal na kilay nito sa sobranh kunot. Kulang nalang ay magpapadyak ito na parang bata dahil sa inis.

"You should have shout my name! And I'll be the one who'll kill that man for you!" frustrated na buling ni Zackary. Sinuklay nito ang buhok gamit ang daliri.

Bahagyang natulala si Daniela sa sinabi ni Zack, bago natatawang umiwas ng tingin kay Zack. "You're funny." sabi nito.

"I am not kidding around, Daniela." seryosong saad ni Zackary.

"And I can take care of myself, Zackary." pang-gagaya naman ni Daniela sa boses ni Zack.

"You're annoying!" Napangiti si Daniela sa asal ni Zack. Napabuga nalang ng hangin si Zackary bago hatakin si Daniela.

Daniela stopped Zackary from walking. "Zack, I have something to tell to you."

Tinignan naman siya ni Zack at tinaas ang kilay. "What is it this time?"

Binawi ni Daniela ang kamay nito. "Rooftop."


And they made way to rooftop.



Alas-dyies y media na ng gabi kaya mahangin na sa rooftop at malamig.


"Dammit, i didnt have my jacket." bulong ni Zack sa sarili. Naka t-shirt lang kasi ito.

"No worries, saglit lang naman tayo." ani Daniela.

Katahimikan.

Pinagmamasdan lang nila ang mga kotseng parang tubig kung umagos sa kalsada at ang mga city lights.

Lumipat ng pwesto si Zack at yinakap mula sa likod si Daniela.

Hinawakan naman ni Daniela ang mga kamay ni Zackary at pinagsaklob ng sariling kamay nito.

"This is just the only way to feel warm, love. Kailangan magyakapan tayo." palusot ni Zack pero may pilyong ngisi sa labi nito.

Daniela didnt answer. Pinagpatuloy lang nito ang pagtitig sa city lights. She really loves city lights. Nakakarelax kasi ito sa pakiramdam kapag nakikita niya ito.

"I wil leave for about 3 and half hours to Japan."

Napatingin si Zack sa mukha ni Daniela. "What? 3 and half hours nalang?!" hindi makapaniwalang saad ni Zack.


Tumango si Daniela sabay tingin sa gawi ni Zack. Halos iilang pulgada nalang ang layo ng mukha nila.


And Zack suddenly kissed Daniela.


Tumagal pa ng ilang segundo ang paglapat ng labi nila nang pihitin na ni Zack ang katawan ni Daniela, paharap sa kaniya. He looked at her.


"I will really miss you." paos na wika ni Zack.


Tinignan siya ni Daniela sa mata. "I will miss you too..."


"I wish you come back early."


Hinaplos ni Daniela ang pisngi ni Zack. "I'll try."


Zack put his hand on Daniela's cheek and invaded her lips once again.




===========================================


Awake of the Demon [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang