CHAPTER 43: MEETING THE INVESTORS

Почніть із самого початку
                                    

Hindi niya alam ang isasagot. Kung maari ayaw niyang pinag-uusapan ang kanyang pamilya gayong hindi pa nila nahahanap ang kanyang mama.
   

Tumikhim ang mama ni Aries. 
   

"They came from a wealthy family in Japan they owned a lot of different businesses. Hindi ko na iku-kwento ang lahat basta mahabang istorya." pagpapaliwanag nito. 
   

Siya na tahimik lang na nakaupo at gusto na niyang umalis sa harapan ng mga ito dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang makipag plastikan.
   

Bakit ba napaka big deal sa mga ito pagdating sa usapin ng kayamanan? Dapat ba talaga na magmalaki? Kaya hindi siya gusto ng mama ni Aries ay dahil sa wala pa siya sa kalingkingan ng mga ito.
   

Pinagbihis pa siya ng ina ni Aries ng sopistikadang damit para lamang makipagkita sa mga amiga nito. Nagtungo din sila sa spa. Pina-parlor pa siya nito na ngayon kinulot ng kaunti ang baba ng buhok niya. 
   

Nagmukha tuloy siyang mayamang negosyante.
   

Nagsukat din siya ng mga gown sa boutique na pinuntahan nila kanina pagkatapos ng lunch. At bandang alas syete nga nakipag kita sila sa mga amiga nito. Ilang oras din silang magkasama ng ginang.
   

"Sayang naman kung ang anak ko sana ang nakatuluyan ng anak mo." sabi ni Mrs. Valmonte kamuntik na siyang masamid sa iniinum niyang juice sa sinabi nito.
   

"Ano ka ba Olivia, kaharap natin ang asawa ng anak niya maghunos dili ka naman sa sinasabi mo. Kasal na nga din ang anak mo. Pasensiya ka na, iha." hinging paumanhin ni Mrs Hidalgo.

Hindi niya alam kung kagaya din si Mrs. Hidalgo sa dalawang amiga nito pero ayaw na niyang mag expect na mabait na tao ito.
   

"Okay lang naman po 'yon naiintindihan ko naman po siya." sabi niya.
   

"Kuu, ang bait naman ng batang 'to. Next time Amelia, please do visit me with your daughter-in-law in my house" sabi ni Mrs. Hidalgo muli siyang ngumiti dito.
   

"Sure, next time." sabi ng mama ni Aries. Napagpasiyahan nilang umalis na pagkatapos nilang mag-usap. Nagkanya-kanyang sakay na ang dalawang ginang at sila ng mama ni Aries naiwan sa labas ng restaurant.
   

"I'm sorry, hindi na kita maihahatid sa condo ng anak ko." hinging paumanhin nito pero wala siyang maramdamang sensiridad sa sinabi nito.
   

"Okay lang po,"
   

"Remember what I've told you ugaliin mo sanang dumistansya sa anak ko. Nakita mo naman kanina kung anong kalakaran ang ginagalawan namin."
   

Tumango siya. "Makakaasa po kayo." maikling tugon niya.
   

"Okay, kaya mo naman sigurong sumakay ng taxi hindi na kami pwedeng lumiko para maihatid ka ba-byahe pa kaming Tagaytay." sabi nito sa kanya.
   

Tututol sana siya pero tumango nalang siya bilang sagot pagkatapos niyon umalis na ito kasama ang driver.
   

Magtat-axi siya? Paano siya magtataxi gayong wala siyang anumang dalang pera!
   

She felt frustrated!
   

Medyo may kalayuan pa naman ang condo ng asawa sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ng mama nito.
   

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now