Ilang oras din kaming nakapila at sa wakas ay nakakuha na din kami ng schedule naming apat, same time,  subjects at section pa din kami. Saglit lang din ng makakuha si Rex ng schedule at dali-dali na itong bumaba ngunit minabuti kong sundan siya at muling kausapin.

“Rex, pwede ba tayong mag-usap?”

“Lee hindi ko alam kung nang-iinis ka lang ba o sadyang makulit ka! Ano pa ba gusto mong sabihin sa akin sabihin mo na agad?!” Pagalit niyang tanong.

“Easy lang Rex, andito ako para hindi makipag-away sayo. Gusto ko lang namang kausapin ka tungkol sa inyo ni Sophia kung ayos na ba ang lahat sa inyong dalawa?”

“Diba sinabi ko na sayo kanina yan na ok na? Wala na akong dapat pang ipaliwanag sayo, kaya pwede lang Lee tigilan mo na ako dahil tinigilan na din kita.”

Sa pagtalikod sa akin ni Rex ay siya namang pagtunog ng cellphone naming dalawa. Sabay naming tinignan ang cellphone naman at nagkatinginan na lang kami.

“Si Sophia!” Sabay na sabi namin.

Mabilis kaming tumakbo ni Rex palabas ng school at naghanap ng masasakyan taxi patungo sa lugar nila Sophia.

“Ngayon na pala flight ni Sophia!” Sabi ni Rex.

“Hindi ko alam, wala siyang nabanggit sa akin nung huli naming pag-uusap.” Sagot ko na tila nalilito.

“Akala ko matagal pa, bakit biglaan naman ata.” Sagot ni Rex.

“Baka ayaw niyang ipaalam ang araw ng pag-alis niya para hindi tayo mag-alala.”

“Hindi mag-alala? Sa tingin mo hindi ba tayo nag-aalala sa ginawa niya?”

“Huwag kang magalit sa akin Rex dahil hindi naman ako si Sophia.”

“Imposibleng hindi mo alam ang pag-alis niya Lee.”

“Kung alam ko lang di sana pagkatapos pa lang ng enrollment dumiretyo na ako sa kanila.”

“Kelangan ko siyang maabutan.” Aligagang sabi ni Rex.

“Bakit pipigilan mo ang pag-alis niya?”

“Hindi. Gusto ko lang siyang makita at makapagpaalam kahit sa huling pagkakataon man lang.” Seryosong sagot ni Rex at nadama ko ang lungkot na nadarama niya.

Napalingon na lang ako sa paligid ko habang nakasakay kami ni Rex sa taxi. Pareho kaming hindi mapakali. Parang gusto kong huminto ang oras maabutan lang namin si Sophia.

Habang patingin-tingin kami sa aming relo ay bigla namang huminto ang taxing sinasakyan namin ni Rex.

“Anong nangyari kuya?” Tanong ni Rex.

“Naflatan ata tayo.”

“ANO!?” Sabay na sabi namin ni Rex.

“Anak ng! Bakit ngayon pa!” Napatapik na lang sa kanyang noo si Rex.

“Manong ito po yung bayad namin. Tara Rex takbuhin na natin medyo malapit naman na.” Aya ko kay Rex at wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

Malapit naman ang tinirikan ng taxing sinasakyan namin ni Rex kanina kung ikukumpara mo ito ay mula sa Shaw Blvd hanggang Ortigas lang.

“Dalian mo Lee!” Sigaw sa akin ni Rex.

“Teka lang!” Hingal kong sagot.

“Ano ba yan Lee! May sakit ka ba sa baga! Bakit hiningal ka agad!”

“Nakakapagod tumakbo.”

“Ikaw nagsabi na takbuhin na natin. Kaya dalian mo dyan!”

“Sabi ko nga.” Mabilis akong tumakbo at sinabayan si Rex.

Crushmate (She's one of the boys)Where stories live. Discover now