CHAPTER 27

5.7K 244 294
                                    

Riley's

+++

3 YEARS LATER

+++

"Go Boss Satiel!"

"Omg! Sa wakas!"

"Cheer niyooo! Ngayon lang tayo pinagbigyan niyaaan!"

"Boss Satiel! Boss Satiel! Boss Satiel!"

Ilan lang yan sa mga sigawan dito sa loob ng bar ni Satiel.

Ngayon na kasi ang 3rd year Anniversary ng bar niya at may nirentahan siyang banda tapos 50% off pa lahat ng drinks kaya naman naging mas masaya yung celebration.

Tapos ngayon ay nandoon nga siya sa stage dahil na din sa request ng mga staff niya at ilang mga customer na kumanta siya.

I know naman na maganda talaga yung boses niya pero nabanggit niya saakin na hindi talaga siya kumakanta sa public kaya nahihiya siya pero dahil isa na din ako sa nagrerequest ngayon ay ayon na nga siya sa tapat ng mic stand.

"Ahm hello good evening everyone", sambit niya kaya nagsigawan nanaman dito sa loob.

"Hindi ko alam bakit ba ako pumunta dito, kayo naman kasi eh lalo kana love", natatawang sabi niya bago niya ako balingan ng tingin kasabay ng pagtutok sa akin ng spotlight at mas nagsigawan nanaman yung mga tao.

"Sana all"

"Ang sweet nilaaa!"

"Omg! Bagay na bagay sila!"

"Tiklop talaga si Boss Satiel pagdating kay Ma'am Riley!", sigaw naman nung bartender kaya napuno ng tawanan dito sa loob.

"Well, syempre naman mahal ko eh", sagot ni Satiel kaya napunta ulit yung tingin ko sakaniya na ngayon ay diretso lang na nakatitig saakin habang napakatamis kung ngumiti. I smiled back at her.

"Go love!", sigaw ko sakaniya na mas ikinangiti niya at muli nanaman siyang chineer ng mga tao kaya naman nanghiram na siya ng gitara doon sa banda.

Muli siyang pumwesto sa gitna at sinimulan ang pag-strum sa gitara kaya muling nagsigawan ang mga tao at isa na ako doon.

Hanggang sa ipinikit niya na ang mga mata niya at kumanta.

"Hindi naman inaakalang ikaw pala ang makakasama♪"

"Ang hanap ko noon ibang iba sa ngayon♪"

"Ika'y dumating, sa tamang panahon
Ikaw na ba yung dinalangin ko♪", nagmulat siya ng mga mata at diretso akong tinignan, tinutok pa nga saaming dalawa yung spotlight.

"Handa kong gawin ang lahat makapiling ka lang♪"

"Walang hihigit sa'yo, ikutin pa ang mundo, ako'y babalik, babalik sayo♪"

Muling nagsigawan yung mga tao dahil sa galing niya at tila kinikilig pa talaga yung iba.

"Tanging ikaw ang sigaw ng puso araw araw, aminin ko na sayo, ngayon lang nagkagan'to, ako'y babalik, babalik, babalik parin sayo♪"

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now