CHAPTER 24

6.2K 207 74
                                    

Riley's

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Chanel papunta sa kwarto kung saan naroroon si Tito Juanito. Hindi ko maipaliwanag yung kabog ng dibdib ko ngayon.

Malalim na din akong huminga kasi kinakabahan talaga ako, wala akong idea kung anong mangyayari pero sana okay lang lahat. Nakakailang buntong hininga na ako.

"It's okay, everything's okay", hinawakan ni Chanel yung kamay ko at pinisil iyon kaya nilingon ko siya at nakita siyang nakangiti saakin.

"Thank you", I mouthed.

Nakasunod lang kami kay Ashton hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang pinto at iginaya kaming pumasok.

Naabutan namin na pinapainom ng isang nurse si Tito Juanito ng gamot pagkatapos ay bumaling siya saamin. Naninibago ako sa hitsura niya kasi tumanda na pero bakas pa din sa mukha nito ang pagiging strikto na mas lalong nagpadagdag ng kaba ko.

"Riley? Ikaw na ba yan?", tanong nito at medyo nagulat ako kasi nginitian niya ako.

Nagtataka kong nilingon si Chanel na mukhang wala ding ideya kaya muli akong bumaling kay Tito Juanito.

"Come here", sabi pa nito kaya mas lumapit kami sakaniya.

"Kamusta? Kamusta si Lucas at yung Mommy mo?", sunod-sunod na tanong nito kaya nanatili akong nakatitig sakaniya.

Pinatawag niya ba ako para kamustahin? Hindi dahil saamin ni Ma'am Chiara?

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag kaya naman ngumiti na ako.

"Ayos lang po Tito at okay lang din po sila Mom at Dad", sagot ko sakaniya na ikinangiti niya.

"Nakakamiss yung bonding namin ng Dad mo, matagal na din eh. Last year pa kami huling nagkita at grabe, dalagang dalaga ka na", sabi pa nito kaya ngumiti ako at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagkailang.

"Nakukwento din po kayo ni Dad sakin at alam kong namimiss na din niya kayo", tugon ko naman na mas ikinangiti niya bago siya bumaling kay Chanel.

"How is she?", tanong nito at biglang nagseryoso.

"S-she's fine now Dad pero wala pa ding malay, she needs to rest eh", sagot ni Chanel dito habang nakayuko.

Nagpatango-tango naman si Tito Juanito bago muling bumaling saakin at hinawakan ako sa balikat.

"I wanna say thank you to you Iha for taking her here. Naipaliwanag na din saakin ni Ashton yung nangyari at gusto talaga kitang pasalamatan", sabi nito saakin at muli nanaman akong nginitian.

What's this? Hindi ito yung inexpect ko.

Sandali kong nilingon si Ashton na nakasandal lang sa pinto habang nakahalukipkip ang mga braso. Diretso lang siyang nakatingin sa direksyon ko at naiiling bago siya lumabas sa pinto.

"W-wala pong problema yun Tito Juanito kahit sino naman po ang kasama ni Ma'am sa mga oras na iyon ay ganon din ang gagawin", I answered kaya tumango-tango siya.

"I'm happy na kahit papaano ay may kaibigan na kagaya mo si Chiara", sagot naman niya at muling bumaling kay Chanel.

"Bukas, doon kana muna magstay sa apartment ni Chiara at iwan mo na lang si Cleah sa bahay", bigla nanamang nagseryoso ang ekspresyon nito kaya sunod-sunod lang na tumango si Chanel.

"Bakit ka nga pala nasa apartment ni Chiara nung mga oras na yon Iha?", muling baling saakin ni Tito Juanito kaya sandali kaming nagkatinginan ni Chanel.

Shit! Anong isasagot ko?

Come on Riley! Think! Think! Think!

"A-ahm kasi po ano...", paninimula ko habang nag-iisip at nanatili lang naman siyang nakatitig saakin.

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now