CHAPTER 25

5.7K 220 156
                                    

Riley's

"D-dad?", halos wala ng boses na sambit ko sa lalakeng nakatayo ngayon sa pinto at kitang-kita sa mga mata nito ang galit habang nakakuyom ang mga kamao.

Agad akong bumaba sa lababo at pinulot yung damit kong inihagis ni Ma'am kanina bago ko 'yon sinuot.

"ISA KANG KAHIHIYAN SA PAMILYA NATIN!", sigaw ni Dad at galit na lumapit saakin bago ako sinampal na halos magpawala saakin ng malay.

"Hon!", sigaw ni Ma'am at nilapitan ako para saluhin kasi muntik pa akong matumba.

"AT IKAW! LUMAYAS KA SA UNIVERSITY KO! MALANDI! DINAMAY MO PA ANG ANAK KO SA KABABUYAN MO?! HINDI KA NA NAKONTENTO HA!?", akma niya ding sasampalin si Ma'am pero humarang ako kaya ako yung nakasalo ng mapangahas niyang mga palad.

"Ahhh!", daing ko kasi sobrang sakit.

"RILEY STELLA ANO 'TO HA!? TOTOO PALA TALAGA? MAY RELASYON KAYO NG BABAENG 'TO?! SA KAPWA MO BABAE!?", sigaw niya saakin. Nakakanginig sa takot kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.

"D-dad! Stop! I love her!", sigaw ko dito na ikinatawa niya.

"MAHAL? RILEY STELLA THIS IS NOT YOU! HINDI KA GANITO! HINDI KA MAGBIBIGAY NG KAHIHIYAN SA PAMILYA NATIN!", sigaw nito saakin kaya pilit kong ikinalma yung sarili ko.

"I love her Dad! Siya yung mahal ko, I wanna marry her! I wanna be with her in the future! Hindi niyo ako mapipigilan doon!", sabi ko dito kaya nakatanggap nanaman ako ng sampal at doon na ako bumagsak sa sahig.

"Oh god Riley! Tito Luke stop this!", umiiyak na din si Ma'am at niyakap ako.

"I'M SO DISAPPOINTED ON YOU RILEY! HINDI KITA ANAK! WAG NA WAG KA NG MAGPAPAKITA SAAKIN! LUMAYAS KA SA CONDO NA 'TO. I WILL TAKE EVERYTHING FROM YOU! YOUR MONEY, YOUR CAR AND EVERYTHING!", muling sigaw nito at sinimulan akong iduro-duro.

"AT ITONG BABAENG 'TO? ITO YUNG MAHAL MO!? SHE'S GETTING MARRIED RILEY STELLA! TINGIN MO MAHAL KA NIYA?! GINAGAMIT KA LANG NIYA!", dagdag nito kaya napatingin ako kay Ma'am at nakita siyang patuloy lang sa pag-iyak at umiiling lang.

Biglang tumawa si Dad na may halong pagkasarkastiko kaya muli ko siyang tinignan.

"Hindi mo pa kilala ang babaeng 'to Riley. Alam mong hinding hindi ko matatanggap 'to, hindi kita tanggap!", sigaw niya saakin.

"Simula ngayon, hindi na kita anak. Wala akong anak na lesbian! Nakakadiri kayo!", huling sambit nito bago siya lumabas ng condo.

"Oh god, come here", nag-aalala akong inalalayan ni Ma'am para tumayo pero pinigil ko siya.

"Is that true?", tanong ko dito at diretso siyang tinignan pero umiwas siya.

"Gagamutin kita, you're bleeding", tanging sagot nito kaya kusa na akong tumayo, pinunasan ko yung tumutulong dugo sa gilid ng labi ko.

Iwinaksi ko pa yung pagkakahawak niya saakin.

"Answer me! Totoo bang ikakasal ka na!?", singhal ko sakaniya at alam kong nabigla siya sa biglang pagsigaw ko.

"R-riley.."

"ANSWER ME!!", mas sumigaw pa ako kasi sobrang sikip na sa dibdib, parang pinipiga na yung puso ko sa sakit.

Yumuko lang siya at nagpatuloy sa pag-iyak kaya napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Belle please, sagutin mo naman yung mga tanong ko oh. Nasasaktan na'ko Belle, please", pagmamakaawa ko sakaniya kaya lumapit siya saakin para yakapin ako.

"Riley I'm sorry, I'm really sorry", tanging sambit nito at nagpatuloy sa paghagulgol.

"Just tell me na hindi totoo yung mga sinabi ni Dad. Tell me Belle", mahinang tugon ko kasi hindi na ako makahinga ng maayos.

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now