CHAPTER 10

7.7K 258 144
                                    

Riley's

"Ms. Martinez baliw ka na ba talaga? Anong nginingiti ngiti mo dyan?", halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita si Ma'am kaya naiiling ako.

Gosh, ano ba yung iniimagine ko, tangina.

"W-wala po Miss Belle, hehe", nginitian ko siya pero umirap lang siya.

"Then go, kanina pa kita pinapaalis", sambit nito nang hindi ako nililingon.

"Ayoko", sagot ko kaya kunotnoo niya akong tinignan.

"E-eh kasi sabi mo bored ka kaya samahan kita if you want kwentuhan tayo", sabi ko naman pero tumaas lang yung isang kilay niya.

"And do you think gusto kitang kausap?", inirapan niya nanaman ako kaya mahina akong natawa.

"Miss Belle, bawas bawasan mo kakairap sakin ha", pagbabanta ko.

"Bakit naman kita susundin?", tanong nito kaya tumayo ako at nakangiting inilapit yung mukha ko sakaniya.

"Baka kasi mapatirik ko yan ng wala sa oras", sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya at bigla ba naman akong sinampal kaya bumaling yung mukha ko sa kabilang side.

"Pervert! Umalis kana nga!", sigaw pa nito pero nanatili lang akong nakahawak sa pisngi ko. Pota ang sakit!

"Oh? Titingin ka pa? Baka nakakalimutan mong Professor mo pa din ako kaya you have no rights para sabihin saakin yung mga yon! Gusto mo bang isumbong kita kay Mr. Luke!?", galit na sigaw nito.

"L-luh, Miss Belle nagbibiro lang naman ako at alam mo namang hindi ko gagawin yo--"

"Get out!", pagpuputol nito sa sinasabi ko at tinuro pa yung pinto.

I took a deep breath at marahang tumango bago naglakad palabas, hindi niya na din ako tinawag kaya ilang beses akong napabuntong hininga.

Tangina bakit ba bigla nalang siyang nagagalit, eh alam niya namang nagbibiruan lang kami. Hindi kaya siniseryoso niyang masyado mga sinasabi ko?

Nagkakamot ako ng ulong pumunta sa rooftop kasi may usapan nga pala kami ni Ivy na tatambay kami doon.

"Hoy! Bakit ang tagal mo?", tanong nito nang makarating ako at umupo humiga sa tabi niya.

Hindi mainit sa pwesto namin kasi may bubong yung ibang part dito sa taas at ang lakas pa ng hangin. Meron na din talaga kaming iniiwang blanket dito na siyang nakalatag ngayon kaya okay lang na humiga kami.

"Eh pinatawag pa ako ni Ma'am Chiara eh", sagot ko kaya excited siyang tumagilid ng higa para makaharap saakin ng maayos.

"Really? Oh what happened? What did you guys do?", nakangiti pa siya ng nakakaloko kaya inirapan ko siya.

"Wala, ayon sinampal ako", sagot ko na ikinatawa niya ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pota ano yon, pinapunta ka sa office niya para sampalin?", hindi pa din siya tumigil kakatawa.

"Hindi! Kasi ganito yan...", kwinento ko nga sakaniya yung nangyari kaya nakatanggap naman ako ng batok.

"Shunga ka kasi, bakit mo sasabihin sakaniya yon syempre mararamdaman non na dinidisrespect mo siya, remember Riley she's still our Professor", panenermon niya kaya tumango-tango ako.

Ilang minuto pa kaming tumambay bago namin napagdesisyunang dalawin si Andrei sa bahay nila kasi di pa din niya sinasagot yung tawag namin.

At dahil nga wala akong dalang sasakyan ay nagcommute lang kami ni Ivy.

"Gago seryoso? Inangkas ka ni Ma'am?", tanong ni Ivy pagkatapos niyang tanungin kung paano ako nakarating sa University kanina.

"Oo nga, balak ko nalang nga sanang takbuhin eh kasi wala talagang dumadaan na sasakyan kanina", sagot ko naman.

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now