CHAPTER 2

11.4K 395 210
                                    

Riley's

"Exchange your papers with your seatmate", she said in authority kaya lahat ay tumigil na sa pagsusulat.

Kamot-batok kong binigay sa katabi ko yung paper na hawak ko, 10 items lang yung quiz pero dalawa lang nasagutan ko at hindi ko pa sigurado kung tama. Shuta talaga.

Nilingon pa ako ni Ivy at Andrei na parehong nasa 1st row. Allegra at De Leon ba naman.

Napapasana all nalang talaga ako sa papel nitong kapalitan ko kasi wala pa siyang mali.

Hindi lang talaga ako nakinig nung discussion kaya nangangamote ako ngayon, pero kung nakinig talaga ako, masasagutan ko 'to ng maayos.

"And lastly, number 10 is False", isang buntong hininga ang napakawalan ko bago ko isulat yung score ng kapalitan ko.

"Here", nakangiti niyang ibinalik yung paper ko at halos gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa score ko. Huhuhu.

"I need someone to collect the papers. Any volunteer?", inilibot ni Ma'am Chiara yung paningin niya pero wala man lang naglakas loob na magtaas ng kamay hanggang sa dumako yung tingin niya sa pwesto ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin.

"You, lady in black longsleeves. Collect the papers of your classmates and follow me to my office. Class dismissed", mariin utas nito at mabilis na lumabas ng room.

"M-ma'am! W-wait!", shuta hindi ko alam kung saan yung office niya!

"Amina mga papel niyo! Dalian niyo!", reklamo ko kaya natataranta na din silang ibigay saakin yung mga papel nila.

"Ilan score mo, Riley?", natatawang tanong ni Andrei pero inirapan ko lang siya.

"Tigilan mo'ko! Amina yang papel mo!", hinablot ko sakaniya yung papel niya at nakitang 7/10 siya. Edi wow.

"Hintayin ka pa ba namin?", tanong ni Ivy.

"Hindi, una na kayo sa Cafeteria. Sunod ako!", sagot ko at nagmamadaling lumabas ng classroom.

Agad ko namang nakita si Ma'am Chiara na prenteng naglalakad sa hallway, hindi pa naman ganon kalayo mula sa room.

Hindi pa oras ng dismissal kaya wala pang mga estudyande sa hallway. Sadyang maaga lang kami dinismiss ni Ma'am.

"Ma'am! Wait lang po!", tawag ko sakaniya pero hindi man lang siya huminto sa paglalakad.

Hinihingal tuloy akong huminto sa pagtakbo nang maabutan ko na siya. Hindi ko naman maiwasang titigan siya mula sa likod dahil sa napakaperpekto niyang katawan.

Naiiling kong iwinaksi yung tingin ko kasi bigla nanamang sumagi sa isip ko yung gabing yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong siya yon.

"Ma-am?", tawag ko sakaniya pero wala man lang akong natanggap na tugon.

"Ma'am?", pag-uulit ko pero snob talaga ako.

"Ma--"

"Kung walang kwenta yang sasabihin mo, mas mabuti kung wag kana lang magsalita", ilang ulit akong napalunok dahil sa kaba nang bigla niya akong hinarap at nakakatakot na tinitigan.

"I-itatanong ko lang naman po kung saan yung office niyo", halos sampalin ko yung sarili ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang bobo talaga Riley!

"Tss", inirapan niya lang ako at nagsimula na ulit maglakad.

Naiiling nalang ako sumunod hanggang sa makarating kami sa office niya.

"Pakilapag nalang sa table then you can go", mabilis akong sumunod dahil mukha pa namang mainitin yung ulo niya.

Gusto ko siyang tanungin ng mga bagay na gusto kong kompirmahin kaya hindi pa ako lumabas ng opisina niya.

Behind Closed Doors Donde viven las historias. Descúbrelo ahora