S11

89 4 0
                                    

"What? No! Delikado lumabas doon Dasha! Baka kung ano pang mangyari sayo doon!" Agad kong angal sa sinabi nito.

Baka mamaya itulak at masubsub siya doon, baka maging aggressive din ang nga reporters para lang masagot ang mga tanong nila.

"I'm getting impatient with this bullshit Khaleesi, I don't want to make this shit longer! Kung gusto nila ng gulo then I'll give it to them." Matalim nitong saad tsaka lumabas sakanyang kwarto.

"I know, ayaw ko din naman pahabain pato. I'm just concern na baka mapano ka sa labas. Ang dami dami nila!" Saad ko habang sinusundan ito.

"If they hurt me they will regret it. They should pay for what they've been doing!" Pinulot nito ang kaniyang phone at sinuot ang kaniyang sunglasses.

Nasaan ba kasi ang manager nito? Napaka tigas ng ulo!

"You can't stop me now, kung ayaw mong mag away tayo you better stay put and just watch alright?" Kalamadong saad nito pero madidinig mo ang pag babanta.

Napapabuntong hininga nalamang ako tsaka nag dial saaking telepono.

"Thomas lalabas kami, make sure ha.. make sure to keep Dasha safe. That's a command."

"Understood."

Mabilis kong inayos ang aking sout na mask at shades. Pati na rin ang cap. Palabas na kasi si Dasha, hindi na talaga ito mapipigilan.

I protectively hid her behind my back. Alerto ding nasa harapan namin si Thomas na seryoso ang mukha.

"Dasha! Anong masasabi no tungkol sa sinabi ni Zeke!?"

"Totoo ba ang nga sinabi ni Zeke!"

"Dasha sino yung kabit mo!" Agad akong napakunot ng noo. Anong klaseng reporter ang ganiyan mag tanong!?

Na impressed naman ako sa security ng condo nato. Nang mapansin kasi nilang palabas na si Dasha ay dali dali din silang hinarang ang kanilang sarili upang walang makalapit sa aktress.

"If you wanna play games with me then why not make it exciting?" Medyo natahimik ang lahat ng mag salita ang girlfriend ko. "If that guy told you that I was cheating on him then give me proofs! We're not even together in the first place!" Mataray na dagdag pa nito.

Alam kong ikakapahamak niya ito dahil nasa kontrata nila ang hindi paglabas ng mga impormasyong dapat ay exclusive lamang. Kaya nga ito nanahimik at nagtikom lamang ng bibig dahil nirerespeto padin nito ang nilagdaan niyang kontrata pero napuno na siguro itong babaeng ito.

"Anong ibig mong sabihin Dasha! Baka alibi mo lang to!" Nakakatangina talaga sa mundo ng showbiz.

"Why would I lie? The contract is already done! I don't care about my career anymore! That perverted guy ask me for something I can even give! Wala naman sa kontrata namin ang mag propose, sawa naako sa pang babastos at pag wawalang respeto nito saakin. Now if you still believe him then I don't care." May muntik pa sanang lalapit kay Dasha pero agad na itong naitulak ng security.

"Dasha! Kung hindi naman pala naging kayo, totoo bang in a relationship ka ngayon!" Nabaling ang atensyon ko sa tanong na iyun, mukhang nadinig din ito ni Dasha.

".... Yes. I'm in a relationship for 5 years."

..

"Yes, I am in a relationship for 5 years."

Mga katagang binitawan ng sikat na aktres na si Dasha. Ayun pa dito na nagsasawa na siya sa pang babastos at pagwawalang respeto ng kaniyang kalove team na si Zeke. Ano nga ba ang totoong pangyayari?

"You're really hard headed! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!" Nagagalit na saad ni Charlotte. Nandito kami ngayon sa condo ko. Hindi na kasi ito pwedeng bumalik sa kaniyang condo dahil malamang sa malamang nandun padin ang mga reporters na makukulit.

Actress's GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя