S2

60 3 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na tanging kumot lamang ang nakatakip saaking katawan. Masakit man ang ulo ay pinilit ko pa ding tumayo para mag ayos.

Baka umalis na yun.

Napabuntong hininga ako habang nagtotoothbrush. May lakad paako mamaya, may event kasi sa univ at need mga proofs for preparation. Dadating daw si Governor para sa mga schoolars niya.

   
    Nagulat ako ng may makita akong tao sa kusina.

   
    "Good morning." Bati niya saakin ng mapansin ako. May nakahanda na sa lamesa at nag aayos nalang siya ng mga pinggan.

   
    "I thought you already left." Sabi ko tsaka siya niyakap patalikod.
   

    "I have an appointment later so I still have a time to be with you." Sagot niya. Hinalikan ko siya sa pisnge bago bumitiw at umupo sa upuan.

   
    Nag uusap kami habang kumakain. Hinahabol ang mga panahon na hindi kami magkasama. It was a blissful morning.

   
    "Pupunta kang school later?" She asked nung nag cucuddle kami dito sa sofa.


   
    "Yes. Dadating daw si gov para sa mga schoolars. Need mga proof kasi gagawing event sunod bukas kaya need kami sa school." Sagot ko.

   
    "Ikaw? Where are you up to?" Tanong ko naman dito.

   
    "I have a shooting in Palawan. Then imemeet ko yung representative ng Penshoppe. " Nakwento kasi nito na ambassador siya ng Philippines Penshoppe. Nakikita ko nga mga billboard niya sa highway. Nakakaproud.


   
    "Let us date." Biglang lumabas sa bibig ko. Nanahimik kaming dalawa. We both know we can't, madami siyang gagawin tsaka hindi pwedeng maglabas labas siya since she's an actress.

   
    "I-I mean pag hindi kana busy mag date tayo dito.. sa bahay. Tayo lang dalawa." Dugtong ko. I'm so stupid. I know how hard it is for her to keep our relationship pero ako tong nagbibigay pa ng hirap sakanya.

   
    "Don't worry promise mag oout of the country tayo. Away from everyone, away from the camera." Sabi nito saakin bago ako halikan.
   


    I smiled at her before kissing her back. Hindi naman din nagtagal ang landian namin sa sofa dahil kaylangan na naming mag ayos para pumunta sa kaniya kaniyang parorounan. Char.


   
    "Ma'am, maaga kanaman ata." Biro saakin ng katrabaho ko si Sir Calyx. He's married and may anak na, mabait naman at maayos makisama.

   
    "Nako sir kayo din naman." Sagot ko. Tumawa ito tsaka sumabay saakin sa paglalakad.


"Alam mo ba may raised daw mga teacher ngayon." Kwento nito saakin, marahil dahil ang office niya ay sa mismong faculty kaya nadidinig niya lahat ng mga maiinit na balita.

"Maganda yan sir, kukulit ng mga estudyante tapos wala?" Biro ko.

Natawa ito tsaka tumango tango. "Tama tama! Madami naakong pinapakain kaylangan na talaga ng taas sahod."

Tatlo na kasi anak nito medyo bata panaman si sir kaso maaga atang nag asawa. Feeling ko nasa 35 pa siya pero may highschool na isa.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa faculty, naabutan namin doon yung iba pa naming co-teachers.

"Ay good morning ma'am, sir." Bati saamin nung bagong teacher, months palang siya.

"Good mood ah." Biro sakanya ni sir Cal. Pangiti ngiti kasi ito.

Actress's GirlfriendWhere stories live. Discover now