S6

67 3 4
                                    

-Khaleesi-


   
    Nakangiti akong naglalakad papasok ng sasakyan na naghihintay saakin. Tinanggal ko ang shades ko bago yumakap kila mama.


   
    "You're back! Welcome back anak!" Saad ni Dad na malaki ang pagkakangiti.



   
    "I've miss you." Naiiyak na saad ng nanay ko. Bahagyang umasim ang mukha ko dahil doon.
   



    "Mom 6 months lang ako doon. Ni hindi nga ako umabot ng isang taon." Hindi nito ako pinakinggan at napaiyak na talaga.



   
    "Wala na nga ang ate mo pati ikaw hindi ko na nakikita, miss na miss ko kayo." Niyakap ko nalamang siyang muli.
   



    Galing kasi akong Japan, para naman hindi ako magkamali sa pagpapatakbo ay pinag aralan ko muna ng mabuti ang pag handle ng company. Hindi naman kaylangan mag aral ako ulit since nakapag aral naman ako ng business nung college ako so hindi naako nahirapang mag cope up.



   
    Umuwi na kami upang makapag pahinga naako. Nakakapag ang work pero masaya naman. Nakakalimutan ko ang mga problema ko at nalilibang din habang nagtatrabaho. Ikaw ba naman tambakan e hindi kaba mawala sa sarili.



   
    If you'll ask me about Dasha, wala padin. Ako na ang nag contact sakanya before ako umalis ng pilipinas pero si Charlotte ang nasagot sa phone niya. Pag pinupuntahan ko naman siya ay palaging wala. Ang sabi saakin ni Charlotte ay hintayin ko nalamang siya dahil madaming inaasikaso si Dasha for now.



   
    I miss her so much pero I still respect her. Hinihintay ko nalang iyung pangako niyang aayusin niya to, kami.




   
    Nabalitaan ko din kasi iyung mga bago niyang issue. Kahit naman ay hindi kami nagkokontakan ay binabantayan ko padin siya. Updated ako sa mga pangyayari. Nalaman kong hindi na siya nag sign ng contract after matapos nung kaniya.




   
    Madaming nag tanong bakit pero tahimik lamang ito.




   
    "Welcome back Boss." Ngiting saad ni Thomas ang personal driver/bodyguard ko. Sabi ko kay dad hindi ko na kailangan pero sabi niya pag pagod ako or tinatamad kaylangan daw yun. Pwede ko naman daw sabihang huwag na muna akong ihatid or sunduin.




  
    Nakipag apir ako dito. Kahit naman nag tatrabaho ito saakin ay kaybigan na ang turing ko dito. Kasa kasama ko ito sa japan e. Umuwi lang ng mas maaga saakin kasi may pinagawa sakanya si dad total siya naman talaga ako boss nito.  Kasing edad ko lang din ito at gago din.
   




    "Sa office na agad. Nag breakfast kana ba?" Ani ko habang nag kakabit ng seatbelt.
   




    "Hindi pa boss, mamaya nalang sa cafeteria." Sagot niya. Nag umpisa na itong mag maneho.



   
    "Daan kanalang sa mga kainan jaan. Tapos bili ka pagkain mo, bilhan mo na din si Shara para naman maka pogi points ka dun." Nginisihan ko pa ito. Alam kong crush niya ang secretary ko. Laking damulag napaka torpe.
   



    "Nakakahiya uy!" Angal nito na ikinatawa ko.
   



    "Huy kaylan kaba gagalaw jaan sa crush mo ha? Ikaw din, balita ko pa naman pinopormahan ni Jayson si Shara." Nakita ko ang pag lunok nito. At natingin tingin sa nadadaanan namin. May nakita kaming restaurant kaya huminto siya doon.
   



    Hindi naako sumama sakanya dahil tinatamad ako. Mabilis lang naman siyang bumalik. May dala itong breakfast foods tsaka coffee. Nakita ko ang pangalan nung isang coffe, 'Shara'.




Actress's GirlfriendWhere stories live. Discover now