Ngayon ko lang nakikita na ganito kagalit si Vice Governor at hindi ko din inexpect na nananakit pala siya.

Gosh! Sobrang nakakadisappoint talaga si Zavy, crush na crush ko pa naman siya pero nakakadiri pala siya, pinsan pa talaga niya yung trip niya. Yuck!

"I'm sorry Dad, I'm sorry!", sabi ni Zavy habang nakaupo siya ngayon sa sahig dahil bumagsak niya sa pagkakasuntok ng Dad niya kanina.

Naisip ko naman silang kuhanan ng video kaya inilabas ko ang cellphone ko at nagrecord, hindi ko din alam kung bakit pero baka lang magamit namin sa future.

"Sorry!? Ano pang magagawa ng sorry mong hayop ka!?", sigaw sakaniya ni Mr. Cesora.

"Honey tama na! Wala na tayong magagawa kasi nangyari na!", sigaw naman ni Mrs. Cesora sa asawa nito habang inaaalalayan na makatayo ang anak.

"Masisisi niyo ba ako Dad? I really like her! A-and I love her, matagal ko na siyang gusto! G-gusto ko siyang makuha at gustong gusto ko na ako ang makauna sakaniya", nalaglag naman ang panga ko dahil sa narinig ko mula kay Zavy. Tangina?

Ano bang tumatakbo sa isip niya? Pota hindi niya man lang inisip na magkadugo sila ni President Laurio? Putakte ka Zavy! Mas lalo tuloy akong nandidiri sakaniya.

"Gago ka ba!? 她是你的表妹! (Tā shì nǐ de biǎomèi!)", muling singhal ni Mr. Cesora sakaniya.

"I know that pero wala akong pakialam kasi mahal ko talaga siya", sagot naman ni Zavy kaya naiiling na lang ako.

"Damn it Zavy! You're obsessed!", sigaw sakaniya ng Dad niya at muli niya itong sinampal.

Hays, grabe naman 'tong Zavy na 'to. Well, I can't blame him kasi napakaganda naman talaga ni President Laurio, ganon yata talaga kasi halo-halo ba naman ang lahi niya na kahit nga ako ay may paghanga sakaniya.

Pero mali pa din talaga si Zavy kasi kahit saang anggulo mo tignan ay relatives pa din sila.

Napapabuntong hininga nalang ako at muling nakinig sa usapan ng mga Cesora.

"Dad please! I know na obsessed na ako sakaniya and I really really want her", biglang sabi ni Zavy kaya muli nanamang napaawang ang bibig ko. Putakte, di ba siya titigil?

"Gustong gusto ko siyang makuha Dad at wala akong planong tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko", dagdag pa nito na nagpabuntong hininga kay Mr. Cesora.

"Let's stop this Honey, kumalma na muna kayong dalawa", pagpapatigil sakanila ni Mrs. Cesora.

"Zavy anak, magpahinga at magpalamig ka na muna, saka mo na lang ituloy yung balak mo...", biglang sabi ni Mrs. Cesora at hinawakan si Zavy sa balikat.

Tangina? Seryoso ba siya?

"Tumahimik ka! Wag kong kunsintihin ang kagaguhan ng anak mo!", sigaw ni Mr. Cesora sa asawa nito.

"Alam niyo ba kung gaano kayaman ang makakalaban natin dahil sa katarantaduhan ng lalakeng 'to!? Kapag hindi ka pa tumigil, madadamay tayong lahat!", baling ni Mr. Cesora sa anak nito at kinwelyuhan pa.

"Bakit Dad? Mayaman din naman tayo ah? Tsaka bakit ba kayo natatakot sa transferee na yon? Sa school siya ni lolo nag-aral kaya pwedeng pwede natin siyang paalisin", sagot ni Zavy sa Dad niya kaya muli siyang sinampal ng huli.

"Bobo! Hindi ka na ba talaga makaintindi Zavy?! Tigilan mo na yang kahibangan mo! Hindi mo kilala kung sino ang makakalaban natin! Sila ang-", natigil si Mr. Cesora sa sinasabi nito nang may mga sasakyang nagsidatingan ngayon dito sa parking lot.

May naririnig din kaming tunog ng chopper sa itaas na sa tingin ko ay pababa ngayon sa rooftop nitong Hospital.

Napatingin ako sa mga sasakyang dumating, puting magarang Van at Mercedes Benz ang lumitaw sa bandang kanan.

Crossed PathsWhere stories live. Discover now