CHAPTER - 1

2K 67 107
                                    

Hermione's

+++

Wait? Bakit grabeng init naman yata? Ganito na ba talaga ang klima ngayon sa Pilipinas?

Nakasando nalang kasi ako't lahat-lahat pero pinagpapawisan pa din ako, nakabukas na nga din yung bintana ng Taxi.

Mainit ba talaga o sadyang nasanay lang ako sa malamig na klima? Hays, nakakapanibago talaga.

Sa Spain kasi ay katamtaman lang yung klima, depende nalang kung summer kasi mainit na din doon.

"Oy! Ano na beshy? Kwentuhan mo na ako!", pangungulit ni Molly saakin.

Hanggang ngayon hindi pa din siya nagbabago, palagi niya pa din akong kinukulit. Lagi akong pinipilit na magkwento sakaniya patungkol sa buhay ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko imbis na sagutin siya, gusto kong magpahinga, nakakapagod kasi sa biyahe.

Hindi din kasi alam nitong bestfriend ko na lumayas ako saamin.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi na kami masyadong nakakapag-usap, bihira nalang kasi siyang mag-online.

Buti nga nakausap ko pa yung kapatid niya kaya nalaman niyang uuwi ako ng Pinas ngayon.

"Louise?", muling tawag nito saakin kaya bumuntong hininga ako.

"I will tell you about it later, Molly. For now, I want to sleep", sambit ko nang hindi iminumulat ang mga mata ko, rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

Noong 13 years old ako ay namatay sa sakit at iba't ibang komplikasyon ang lola ko-ito yung mother ng Mommy Lea ko.

Tatlong buwan pagkatapos mailibing ang lola ko na 'yon ay namatay naman sa katandaan ang ninuno ng mga Eurwen na si Lola Anna, namatay ito sa edad na 98 years old.

Iyon ang naging dahilan kung bakit kami nagbakasyon muna sa Barcelona. Sobrang nalungkot ang mommies ko sa nangyari kaya nais nilang makalimot at iwaksi ang sarili sa lungkot.

Pero nang magustuhan ng mommies ko ang naging buhay namin doon ay tuluyan na nga kaming nagmigrate sa bansang iyon.

Ibinenta ni Mommy Lea yung dalawang branches ng kompanya namin dito sa Pilipinas at doon sila nagpatayo sa Barcelona ng panibago pati na din yung magiging bahay namin doon.

Dalawang ari-arian na nga lang namin ang iniwan nila dito at yun yong Prime Faulkner Resort at ang main building ng pinakabusiness namin na EFMC or Eurwen-Faulkner Modeling Company.

3 years ago naman nung 17 years old ako ay doon naman ako nagsimulang maattract sa mga lalake.

Wala namang problema sa mga mommies ko yon pero nasasakal pa rin talaga ako sa inaasal ng nila kahit na sinasabi nilang para lang din iyon sa protection ko.

Si Kevin, siya yung unang lalakeng nagustuhan ko. Purong Spanish, isang modelo at tatlong taon ang tanda niya saakin. Siya din yung kauna-unahang nanligaw saakin noon pero halos dalawang linggo lang ang itinagal ng panliligaw nito saakin.

Eh pano ba naman kasi, pinaimbistigahan na kaagad ng mommies ko ang background nito.

Ang paliwanag naman nila saakin ay ayaw lang daw nila akong mapunta sa taong magpapahamak saakin and again, pinoprotektahan lang daw nila ako.

Crossed PathsWhere stories live. Discover now