"Ano'ng niluto mo?" 

"Wala," sabi ko. "Gumawa lang ako ng sandwich. Gutom na ako eh." 

She started to sit up bago siya napa-ungol. "Ow!" 

Agad naman akong nag-alala. "You okay?" 

She bit her lower lip and sat up. Slowly. Na-guilty na naman ako. Sabi ko nga, manyakis ako, hindi monster. Pero in the end, nasaktan ko pa rin siya. 

Di bale na, babawi na lang ako.

Tumayo ako sa kama at pinangko siya papunta sa mesa. She blushed, at tinakpan ng mga braso ang... ehem, important parts niya. 

Ngumisi ako at tumawa siya, namumula pa lalo. "Kuha mo naman ako ng shirt, please?" 

Hindi ko inalis ang ngisi ko. Sa halip, I reached my arm up, grabbed a fistful of my shirt and pulled it off. Kagat-labi niya akong pinagmasdan at hinayaan ko siya. Wala naman pala akong dapat ikahiya dahil anim pa rin naman pala ang abs ko eh. Pagkatapos, lumapit ako para isuot sa kanya 'yung shirt. 

"Thanks," sabi niya, namumula pa rin.

Eh ano pa bang magagawa ko? Hinalikan ko siya, mabilis lang, bago ako naupo sa tabi niya para makakain na kami. 

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. N'ung una, akala ko na-overwhelm siya sa kaseksihan ng dibdib at abs ko pero n'ung tingnan ko siya, nakapikit siya habang ngumunguya ng ham sandwich ala Ash. 

Tsk. Ni hindi man lang pala natukso sa dibdib ko. 

Nang maubos namin 'yung mga sandwiches, inabot ko 'yung kamay niya at nilingon niya ako. 

"Bath?" alok ko. 

She blew out a breath. "God, yes." 

Tumawa ako at tumayo. 

Yes! Isa na namang pangarap ang matutupad.

I bent down and she wrapped her arms around my neck so I can carry her to the bath. Wala na 'yung gusto niyang bubble kung anuman 'yun d'un sa cabinet ni Mommy kaya namili ako ng ibang gusto kong amoy at 'yun ang inilagay sa tubig namin. At nang puno na ng bula ang bathtub, I helped her climb in, then climbed in right behind her. 

Naupo siya sa pagitan ng mga hita ko at sumandal sa dibdib ko. Automatic akong tumungo at hinalikan siya sa kurba ng leeg at balikat niya. Kaya naman pala may chikinini siya d'un. Na-realize kong 'yun ang isa sa mga paborito kong lugar para halikan siya. 

Hulaan mo 'yung pinakapaborito ko... 

Dahil alam kong hindi pa komportable si Meredith (ulit, manyakis, hindi monster), halik at haplos lang ang ginawa ko sa bathtub. I took the opportunity to touch her in a non-sexual way. 

Ang lambot ng balat niya, ang kinis, ang bango... 

At lintik ka, Taho Boy, matulog ka muna ulit at hindi tayo puwedeng umiscore ngayon! 

Pero dahil medyo mahirap naman siyang itago, lalo na dahil nakadiin siya sa likod ni Meredith, nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. 

Ngumisi ako, nahihiya. "Sorry. I love you. I'm crazy about you. Huminga ka lang, tinitigasan na ako."

"ASH!" tili niya bago ako tumatawang sinabuyan ng tubig. 

Tumawa na rin ako and cuddled her. Sana talaga hindi siya masanay sa kabastusan ko. I love making her blush. 

DAHIL nga alam kong di pa siya nakaka-recover, PG-13 ang nangyaring lambingan sa bathtub bago kami nagbanlaw at bumalik sa kuwarto. Nagdesisyon na lang kaming manood ng movie. 

Naging matatag ako, promise. Kahit sineduce ako ni Mere, humindi talaga ako. 

Anyway, 'yun nga, nanood kami ng DVD. Ewan ko kung ba't pumayag akong The Hobbit ang panoorin eh hindi pa lumalabas 'yung mga duwende, inaantok na 'ko. 

Nakasiksik si Meredith sa tagiliran ko, nakapatong sa sikumra ko 'yung braso, nakapulupot sa legs ko ang isang binti habang nakatutok sa screen ang mga mata. Dahil nga hindi ako mahilig sa fantasy, siya na lang ang pinanood ko.

"Kailangan ba talaga nating umuwi bukas?" tanong niya na hindi inaalis ang mga mata sa screen. 

Tumungo ako para halikan siya sa tuktok ng ulo. "Puwede naman tayong mag-stay hanggang sa kailan mo gusto." 

Tiningala niya ako. "Meetings?" 

Bumuntong-hininga ako. "Monday at 2 P.M."

Lumabi siya. "I hate meetings." 

"Dati naman hindi."

"I hate them now. Paano ninanakaw nila 'yung time ko kasama mo dapar." 

Tumawa ako at mas mahigpit siyang niyakap. 

"Minsan naisip kong gusto kong maging housewife kapag may asawa na ako." 

Nanigas ako. Hindi, hindi si Taho Boy, ako talaga. Nabigla ako eh. Napag-usapan na namin ang bahay, ang mga anak, pero hindi pa namin napapag-usapan ang kasal. Kaya lang saan pa nga ba tutuloy 'yung mga pinag-usapan naming mga plano, hindi ba sa kasal din? 

"Hindi ka naman nakikinig sa 'kin eh." 

Ngumisi ako. "Nakikinig ako," tawa ko. "Sabi mo naisip mong gusto mong maging housewife."

"And let me point out na hindi ka nag-panic nang sabihin ko 'yun."

"Bakit naman ako magpa-panic?" 

"Binanggit ko 'yung salitang 'wife' habang ikaw ang boyfriend ko?" 

I shrugged. "I'm going to ask you to marry me, eventually. Saan ba sa tingin mo pupunta ang relasyon nating 'to?" Tumungo ako sa kanya at nakitang siya naman ang natulala. "O, bakit?" 

Tumawa siya, di makapaniwala. Pagkatapos ay mas malakas nang tumawa bago siya gumulong para dumagan sa 

'kin at hinalikan ako. 

Ako 'yung umungol. Ako 'yung yumakap sa baywang niya. At ako 'yung humihingal nang mag-angat siya ng ulo para ngitian ako. 

"I'm going to say yes to you, eventually," she said. 

Ngumiti rin ako at pinagmasdan siya. She was incredibly beautiful. At ang mukha niya, ang mga mata niya, 'yun ang gusto kong huling makita sa gabi bago ako matulog, at una kong makita sa umaga pagkagising ko. 

I reached a hand up and stroked her cheek. "Hintayin mo 'ko, Mere," I told her quietly. "I'm working on it. Sandali na lang, kaya ko nang maging asawa saka magpamilya. Hintayin mo 'ko ha. Sandali na lang talaga."

Ngumiti siya, naluluha, then she nodded and kissed me hanggang sa malimutan na naming pareho 'yung naglalakbay na Hobbit sa screen.  

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon