When we entered the coffee shop ,I could smell the familiar smell that I can only feel here. The smell of coffee still being absorbed by the air conditioner.

"Ang bango pa rin talaga pumunta dito ,Gallianna!"sabi ni Isabelle na parang naeexcite s'yang bumalik dito!

Naghanap na kami ng mauupuan dito dahil kakaunti pa lang naman ang mga pumupunta dito sa cafe shop na 'to. Nang makahanap na kami ng mauupuan ay tinawag na ni Isabelle ang staff kaya lumapit naman ito sa'min.

"How about you Gallianna ,ano order mo?"tanong sa akin ni Isabelle kaya namili ako sa menu. Nang magsawa na ako ay inilapag ko na lang sa table saka tinignan ang lalaking nasa harapan namin.

"Yung dati ko na lang inoorder."sagot ko at agad namang tumango siya at nagpaalam na siya na aalis muna s'ya ng pansamantala.

Nang makaalis na yun ay nagpatuloy si Isabelle dumaldal sa harapan ko kaya nakikinig lang ako sa kanya. Puro lumalabas sa bibig niya ang monthsary ng boyfriend na parang kilig na kilig pa siya. Samantalang ako ay halos mandiri habang nagkukwento siya.

Kailangan ba talaga ikwento niya ang date ng boyfriend niya?

Napairap na lang ako dahil nagpapatuloy pa rin siya magkwento sa harap ko. Ewan ko ba ,kapag pinag uusapan ni Isabelle ang relationship n'ya bigla na lang ako nawawalan ng gana para makinig sa kwento.

"Nakita kitang umirap ka!"sabi ni Isabelle kaya napakurap ang mga mata ko sa sinabi niya ,"Ganyan ka ba talaga ka-bitter at ganun mo na lang ako irapan pag pinag uusapan natin dito si Davin?"

Dahil sa sinabi ni Isabelle ay nagtawanan sina Athena at Madeline. I rolled my eyes again ,sobrang nakakasuka!

"Bakit kasi di ka na lang kasi magboyfriend para di ganyan ang reaction mo ,"Isabelle suggested ,"Sa magkakaibigan ,ikaw na lang yung naiiwang single dito."

"Di naman ako nagmamadali ,"I sighed heavily ,"May tamang panahon ang pag ibig para sa akin."

Ayokong madaliin ang pag ibig sa akin ,dahil alam ko naman na dadating din yun sa buhay ko. Di nga ako sigurado kung magtatagal sila ni Davin. Grade 12 pa lang kami at lahat pwede pa magbago. May posibilidad may magbago sa kanilang dalawa-di ko masasabi dahil di ko naman hawak ang future. Basta ang alam ko di ko pa iniisip na magkaroon ng pag ibig.

"Bakit kasi ayaw mong magpaligaw kay Dennis. Matagal na nanliligaw yun tapos ayaw mo pang payagan."sabi sa akin ni Isabelle kaya napakagat na lang ako ng labi.

Well ,di ko naman sinabi na maghintay siya!

Dennis is a kind person. Siya lang ang lalaking tumagal sa peste kong ugali-madalas pinagtatabuyan ko mga lalaking balak akong kaibiganin. Tanging si Dennis lang ang lalaking tinanggap ko sa buhay ko.

Nirerespeto naman niya ang desisyon ko na nireject ko s'ya. Pinatigil ko na s'ya noon para di na s'ya umasa sa akin-pero mapilit siya at gagawin niya pa rin ang best niya bilang manliligaw ko kahit nireject ko na siya.

Hindi ko na kasalanan kung patuloy s'ya aasa sa akin.

"Dennis is not my type Isabelle ,"diretsong sabi ko ,"Hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Kahit maghintay pa s'ya sa akin ng matagal di pa rin magbabago ang desisyon ko. Irereject ko pa rin s'ya."

"Sus ,mapili ka lang e ,"she laughed ,"Baka nga si Bryle type mo ayaw mo lang umamin."

Dahil sa sinabi n'ya lalong kumunot ang noo ko. What si Bryle? bakit naman nadamay sa usapan ang lalaking 'yon?

"Bryle is not my type!"todo tanggi pa ako kahit napapansin ko na parang namumula na mga pisngi ko ,"Saan mo naman yan napulot ang chismis na yan?"

"Myself ,"sagot niya pa ,"Napapansin ko lang since iritado ka kapag pinag uusapan si Bryle—madalas nagwawalk out ka na lang d'yan kapag tungkol sa kanya..."

Calming The Wild Heart  ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz