CONTINUATION:

65 4 7
                                    

"Mr. And Mrs. Madrigal is he---" hindi na natapos ang sasabihin ni Daddy Drazen ng biglang may nag salita mula sa isang di-kilalang babae.

"Hello guys!" Bati nito ng makarating ito. Iginala ko ang tingin ko at nakita ko itong isang babae na hindi pa gaanong ka-tandaan, parang ka-edad lang ito ni Mommy Zareen, pati na ang kasama nitong di rin gaanong katandaan lalaki.

Sa itsura nila mukha silang nakakaangat sa buhay. Haha sana ol.

"Oh hi dear Welcome sainyo! Kamusta ang flight nyo?" Masiglang bati naman ni Mommy Zareen sa mga bisita.

"Have a sit" sabi naman ni Daddy Drazen.

"Thanks Man!" Sabi naman nung bisitang lalaki.

"By the way Okay naman ang naging byahe namin..." saka kita kong idinako ang tingin saakin nitong bisitang babae. Para hindi ako mailang sa tingin nito, nginitian ko ito ng simple na syang ikinalaki ng mata nito.

"A-anak?" Manghang sabi nito habang hindi parin pinuputol ang tingin nito saakin

"Love..." Mahinang sabi naman ng Bisitang lalaki.

A-ano raw, Anak? Baka nag kakamali lang ito...

"H-hehe Hello po!" Pagbati ko na lamang sa mga ito. Kita ko naman na nanggilid ang luha nito sa magkabilaang mata habang hindi parin inaalis ang tingin saakin.

"I-ikaw nga! A-ang anak ko!" Masayang sabi nito saka dali-daling lumapit sa kinaroroonan ko saka ako niyakap ng napaka higpit.

O-okay...anong nangyayari?

-----
Andito ako ngayon sa garden kasama ang mag Asawang Madrigal. Marahan nila akong inaya dito dahil gustong gusto nila raw akong makausap.

H-hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila akong makausap, at hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ang pakiramdam ko sakanila ay napakagaan ng loob ko.

"H-hello Hija ako nga pala si IRISH MADRIGAL, and this is my Husband ZERIC MADRIGAL" Malambing na tono na pakilala nito saakin. Kakatuwa naman

"Ako naman po si ANASTASIA MAE OXFORD-MONTEFALCO" nakangiteng kong sabi.

"M-Montefalco? Bakit Montefalco?" Takhang tanong naman ni Mrs. Madrigal

"A-ah Asawa ko po kase si Dark ace montefalco" Sagot ko.

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now