CONTINUATION:

61 3 0
                                    

Nang karating kami sa bahay ni Dark...

Nagpaalam ito saakin na maliligo na muna ito, at dahil maaga pa naman, naisipan kong puntahan muna ang kapatid ko na si Ivan sa kwarto nito.

Pagkarating ko sa pinto ay dali-dali akong kumatok at tinawag ang pangalan nya.

"Ivan? Bunso?" Tawag ko rito.

"Ate" sagot nito saka binuksan ang pinto at pumasok ako.

"Ano palang kailangan mo Ate?" Tanong saakin ni Ivan ng makaupo kami sa kama nya.

"Wala naman, medyo nababagot ako kaya naisipan kong mag punta rito, saka na miss rin kita Bunso ko" sabay yakap ko rito. Hayss...

"Ikaw talaga ate!" Sabay ganti ng yakap nito.

"Oh bakit ang kalat nitong kwarto mo? Ha? Diba sabi ko kailangan parating malinis ang kwarto mo!" Pangangaral ko rito sabay bitaw saakin mula sa pagkakayakap.

"A-ano kase----"Agad itong naputol sa pag sasalita ng marinig kong may tumunog.

Agad kong hinanap kung saan ng gagaling ang tunog at kita kong galing sa bag nito. Binukasan ko ang bag nito at tumambad saakin ang napaka-garang Cellphone.

"At saan galing ito HADES IVAN  OXFORD? Sa pagkaka-alam ko wala ka nito?" Nakataas kilay na sabi ko.

"Ate kase...."

"Kase?"

"A-ate galing yan kay Kuya Dark. Ang astig diba? Grabe ate no..napaka yaman pala nyang si Kuya Dark, bukod sa mayaman, napaka talino, napaka astig, napaka bait at napaka gandang lalaki. Swerte mo ate!" Masayang sabi nito.

Sa hindi malamang dahilan, hindi ko alam kung anong masasabi ko sa lahat ng sinabi ng kapatid ko. Para akong alam nyo yun nag seselos na naiingit, dahil oo si Dark kaya nyang mabili ang lahat ng gusto nya sa isang iglap lang eh ako?

"A-ate sorry, alam kong minamaliit mo nanaman yang sarili mo." Mabilis na sabi nito saka ako niyakap

"Pero Ate eto ang tatandaan mo  kahit hindi mo nabibigay saakin ang lahat ng gusto ko, masaya parin ako at kotento. Huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Kuya Dark Ate, dahil para saakin ikaw parin ang Astig at the Bes na ate para saakin okay?" Masayang sabi nito

Hahaha iiyak na ba ako?

"Aissh! Oo na basta sabi mo yan ha?" Nakangiteng kong sabi.

"Oo naman Ate promise!"

"O sya halika tulungan mo akong mag ayos nitong makalat mong kwarto! Kita mo oo nakakahiya ka! Hahaha" tawang sabi ko.

"Yes Ma'am!" Mabilis na sagot nito at sumaludo pa.

 she's dating Mafia boss On viuen les histories. Descobreix ara