Chapter 4

74 7 4
                                    

NATAHIMIK ako sa tagpong iyon dahil na rin sa pagkakapahiya. Kinimkim ko ang galit ko sa lalaking iyon, kung hindi lamang siya anak ng CEO ng kumpanyang ito ay binangasan ko na.

"You've already signed the contract, Mr. Dela Vega, you are now part of Xiena Entertainment. For now, kumpleto pa naman ang rooster namin sa paparating na tournament, I want you to focus on your studies first and ikaw muna ay isang rookie player ng XE. You will be called to substitute if anyone of our main line up can't make it to the game. Understood? " mahabang pahayag ni Mr. Go habang nakahalukipkip sa kanyang swivel chair.

Ngayon ko lamang napansin ang ayos ng kanyang opisina. Simple lamang ito ngunit elegante. All glass enclosure, floor to ceiling fiber glass windows, centralized air conditioners, indoor plants, kapansin-pansin rin ang napakaling painting sa likod ng swivel chair ni Mr. Go na ang tantya ko ay milyones ang halaga. Matagal na siya sa industrya ng Esports at masasabi kong napaka successful na niya.

Tumango na ako sa kanya dahil naiintindihan ko naman ito. Pabor ito sa akin dahil kahit nagaaral ako ay may sweldo pa rin akong makukuha mula sa kumpanya dahil nakapirma ako sa kontrata. Hindi ko na kailangan pang manatili dito habang nakikipag bardugalan sa boot camp. Ang kapalit nga lang nito ay may porsyento na ang XE sa mga kita ko sa pag live stream at pag upload ng mga videos sa YouTube. Trenta porsyento ang kanilang kukunin sa bawat kita ko sa isang video, hindi na masama dahil isa naman itong win-win situation. Kikita ako sa pag live, pag upload at may makukuha pa akong sweldo sa kompanya kahit na may kaliitan lamang ito.

"Naiintidihan ko po Mr. Go, maraming salamat po sa inyong konsiderasyon." Ngumiti ako sa respetadong CEO at nakipag kamay na.

"Samantha, pakihanda ang conference room at malapit nang magsimula ang meeting." Bumaling ito sa akin at ngumiti. "If you want to join the meeting, you are very much welcome." sabi nito ngunit agad akong umiling at tumayo na.

"Maraming salamat po Mr. Go, ngunit kailangan na namin ang umuwi dahil malayo pa po ang aming lalakbayin." Bumaling ako kay kuya na nakatayo na. Tahimil lamang siya habang nakakinig sa amin simula pa kanina. Ni hindi ko manlang siya narinig na umangal sa mga nangyayari dito.

Tumingin sa relo si Mr. Go at humakbang na paalis sa kanyang upuan.
" Kung hindi na kita mapipilit ay mauna na ako." Mabait itong ngumiti at bumaling sa mala manika niyang sekretarya sa gilid na nakahawak ng iPad.
"Samantha, pakisamahan sila pababa at sumunod ka nalang mamaya sa meeting. Nag bow naman ang sekretarya at inilahad na ang pintuan. Nauna siyang maglakad papuntang elevator at siya na ang pumindot sa ground floor.

Nagpasalamat na kami sa sekretarya at naglakad na papuntang parking lot.

"Ang angas naman ng pinasukan mo, masyadong maganda ang offer para pigilan ka pa." sabi ni kuya habang naglalakad.

"Oo nga kuya, kahit na magaspang ang ugali nung anak ni Mr. Go, ay hindi maipagkakailang maganda nga sila mag handle ng mga players nila."

"Kaya nga, lagi rin silang nasa kondisyon hindi gaya ng ibang team. Malaki rin talaga ang epekto kung maganda ang pagtrato ng kanilang  kumpanyang may hawak sa kanila. Tignan mo yung Rain Esports kaya pala laging mayabang, drug pusher pala may hawak sa kanila. " sabay iling nito habang tumatawa.

" Nako kuya baka may makarinig sayo mapahamak pa tayo!" Kinakabahan kong ani, hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin. Naranasan na rin nilang magkampyeon sa international stage at hindi natin alam kung ano pa ang kaya nilang gawin lalo na ang kanilang CEO na siguradong big time na drug lord at drug pusher.

Nakauwi kami pasado alas dos na ng tanghali, nag stop over pa kasi kami kanina ni kuya dahil kinailangan namin ang kumain. Masyadong napasarap ang kain namin dahil na rin sa gutom, sa isang hindi kilalang kainan kami kumain na mga lutong bahay ang binebenta dahil ganon daw ang gusto ni kuya.

Game of LoveWhere stories live. Discover now