Chapter 2

73 7 6
                                    

NAGLALARO ako sa loob ng kwarto alas tres ng hapon ngayong ika-labindalawang araw ng Mayo. Tapos na ang mga gawaing bahay kaya't heto ako nagbababad na naman sa paglalaro. Natutulog na dapat ako ngayon pero ayaw akong dalawin ng antok dahil sa sobrang init, nakabukas na ang exhaust fan sa loob ng kwarto ko pero halos pagpawisan parin ako sa sobrang salimuot kaya napagdesisyonan ko nalang na maglaro muna. Pangatlong laro ko na ito at halos suntukin ko na ang keyboard ng PC ko dahil sa panggigigil. Isang panalo nalang! Isang panalo nalang at matatamasa ko na ang pinakamataas na ranggo nitong larong ito! Nakikita ko na ang pag-asa naming manalo, nangangarera na ang pagtibok ng puso ko dahil sa pinagsamang saya at kaba. Saya dahil maaari na akong makapasok sa Pro scene at kaba marahil sa katotohanang may pag-asa pa ang kabilang panig para manalo sa larong ito.

Bata palang ako ay literal na ayaw ko nang magpatalo. Greedy ako at mapride. Kapag may nakakaaway ako at ako ang tama, mas lalo kong pinagdidiinan ang punto ko hanggang sa sumuko na ang katunggali ko. Pero kapag ako naman ang may kasalanan ay hindi ako nanlalaban, para akong kuhol na nabigwasan.

"Kumain muna kayo ng pancit canton para lumakas naman kayo!" sigaw ko sa mic ng aking headphones dahil aatakihin na namin ang base ng kalaban. Mananalo na kami!

"Ang yabang mo ah! 1v1 g? Ano palag? Ano?" Kapag talaga napipikon na ang mga kalaban nayayabangan na sila sayo at nagaaya nang makipag 1v1.

"Manalo muna kayo dito bago kita pauunlakan! Weak!" sigaw ko pabalik, mas lalo ko silang inaasar. Sumasaya ako sa ganitong mga kaganapan.

"Damn bro, even Noah and his arc can't carry all of you!" pagsegunda ko na naman para mastroke na sila sa sobrang pagkainis. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pag ipit sa akin ng kanilang tangke, dahil sa sobrang pagsasaya ko ay hindi ko namamalayan na nalapitan na pala niya ako! Hala!

Tagaktak na ang pawis ko dahil malapit na akong mamatay! Konti nalang! Hindi pa naman ako pwedeng bumili ng item hangga't hindi ako nakakauwi sa base! Konti nalang!

Laking pasasalamat ko nang hindi makalapit ang mga damage dealer sa akin dahil humarang sa unahan ang mga kakampi ko.

"Muntik ka na doon! Yabang pa? Alagaan mo nalang anak mo tangina mo batang ina!" sigaw ng pikon sa kabilang kuponan. Aba akala ko tumahimik na to.

"Def ka na boi, paubos na base niyo!" sigaw ko pabalik sa kanya para bumalik sa kanya ang pagkapikon! Ha! Akala mo ah.

Natapos ang laro at nakatungtong na nga ako sa Diamond rank. Kailangan ko nang magsulat ng email sa kampo na gusto kong salihan. Pero napaisip ako sa sinabi ni kuya, mag stream muna ako bago pumasok sa pro scene. Tama.

Pagkatapos nga ng ilang mga laro ko ay nag edit na ako ng mga highlights at pinost sa aking Facebook account at YouTube channel. In just a couple of minutes ay marami na ang nakapanuod sa 3 minutes montage na aking ini-upload. May mga iba't ibang mga komento akong nakikita, may mga papuri at ang ilan ay pangungutya, kesyo hindi naman ako pro player at nandudurog lang naman ng mga low rank at marami pang iba. Ilan lamang sa mga komentong ito ang pinansin ko, ang mga positibong komento lamang. Hindi ko na pinaglaanan pa ng oras ang mga negatibong komento na nababasa ko.

Alas sais ng hapon ay kasalukuyan akong nagwawalis sa loob ng bahay, wala si kuya dahil may inaasikaso sa eskwelahan nila dahil nga malapit na naman ang pasukan, dalawang buwan nalang at agusto na naman, at ang ibig sabihin lang nito ay pasukan na naman. Humahaba na ang buhok ko, nasa pisngi ko na ang dulo nito at lagpas tenga ko na, gusto ko na rin kasi ang maging anyong babae katulad ng mga trans na nakikita ko online. Binabagabag na naman ako nang kagustuhan kong ito. Napabuntong hininga ako at kinuha ang dustpan para maitapon na ang mga nawalis kong mga alikabog at ilang hibla ng buhok na nalalaglag sa sahig.

Game of LoveWhere stories live. Discover now