-12-

3 0 0
                                    

After the discussion with my team, I headed my way in my office to finish the papers I left earlier, tapos dumiretso naman ako sa operating room because I have a surgery with Ethan. Okay at magaling na si Leah, heto, sabi nga kanina doon daw silang tatlo matutulog sa unit ko. Yes, tatlo. Dahil pati si Ruse, isinama at inimbitahan ni bruha.

The patient needs general anesthesia, and that's what I gave.

"Heart rate."

"60 bpm below, Doc." I said, eyes on the monitor. He used the scalpel to cut off the skin, and finally worked on the patients heart. His gloves were covered with blood.

"Forceps."

"Forceps, Doc." The first assistant said and handed him the tool. I gaze at the monitor again and checked her vital signs. Focus na focus si Tan sa operasyon, his eyes were showing how passionate he was. He look at the monitor then glance at me, I just give him a little nod.

The surgery continued, while doing my part, I am also watching Ethan operates. Kung paano ako namamangha kay Ruse, ganoon rin ako namamangha kung paano mag-opera si Tan. He now closed the incision using the suture and magnifying loupe. I take care of the patient then helped Ethan. Naglinis na rin naman kami kaya dumiretso kaming dalawa sa office niya, to have some coffee. Nagpadeliver raw siya eh.

"Caramel coffee." Inabot niya sa akin 'yon na nakatanggal na ang takip. I gave him a small smile and thanked him.

"May surgery ka pa?" Tumawa kami ng magkasabay kami. Pinauna niya ako.

"Wala na akong surgery, but after ko dito, I need to finish some papers and documents." Sabi ko. Tumango siya.

"Wala na rin akong surgery, like you, I'm just going to finish some papers." He sipped in his coffee "Sasama ba si Ruse mamaya?" He asked.

"Mm, do'n din siya matutulog." I answered. Yumuko lang siya tapos natagalan bago tumango. We just finished our coffee while having a chat, then, bumalik na rin ako sa opisina ko.

Naging madali lang ang oras. Dahil lahat kami dala ang kotse namin, nagkanya-kanya kami. Sina Ruse at Tan dumaan saglit sa supermarket para bumili raw ng snacks mamaya. Nauna na kami ni Leah sa unit, pagkabihis ko, sinimulan ko nang magluto. Dumating na rin naman 'yung dalawa, habang kumakain, we're having a chit-chat. Leah insisted that she'll wash the dishes, kaya kami lang ritong tatlo ngayon sa sala.

Inilapag ko sa sahig ang mga cd, movie marathon daw, 3 raw na movies ang panonoorin namin. Kaninang pagdating nila 8 plastic bag ang dala dala nila, napakarami naming snacks.

"Harry Potter." Napakurap ako ng magkasabay silang dalawa. They also look at each other, then looked away.

"Try finding another mov--"

"I want this." They spoke together again. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, stifling a laugh. Leah run towards us and sat down beside me. Nagrereklamo.

"Harry Potter na naman?!" Usal niya "Ang daming movies guys, jusko." Kinuha niya sa kamay nila Ruse at Tan ang cd saka ibinalik ang mga 'yon sa lalagyan. Siya na ang pumili ng mga movies at naghalukay.

"Midnight Sun, A Walk to Remember, Titanic!" Tinaas niya ang mga cd. Una niyang pinlay 'yung Titanic dahil mahaba.

"Oh, handa niyo na mga tissue niyo." Pagbibiro ni Tan, tumawa lang kami, nakakaiyak nga ang mga pinili ni Leah kaya talagang kailangan namin ng tissue, isang balde. Dumako ang tingin namin kay Ruse ng bigla siyang tumayo at umupo sa may lapag, gustong magsolo habang may hawak na potato chips. Parang may nagtutulak tuloy sa akin na sundan siya ro'n sa lapag. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tumayo ako at pasimpleng tumabi sa kanya dahilan para mapatingin siya.

Like A SyringeМесто, где живут истории. Откройте их для себя