-10-

8 1 0
                                    

"Manood ka muna diyan ha? Magbibihis lang si Tita."

Tumango lang si Kio. Ginulo ko ang buhok niya saka na nagpunta sa kwarto para makapagbihis. Iniwan siya sa'kin ni Ate. I had no choice kung hindi ang isama siya sa lakad namin ni Ruse.

I carefully pick up the clothes that I'm going to wear. I wear a black shirt with design and white pants. Tinerno ko sa kulay ng damit ko ang kulay ng rubber shoes ko. Hiyaan ko lang na nakabuhaghag ang buhok ko, I curled it pero sa baba lang. I also wear a light make-up. I use the perfume I used before, muntik ko na nga 'yong ipangligo eh. Bago ako lumabas, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.

"Wow, ang ganda mo po Tita Crei!" Pinantayan ko si Kio saka pinisil ang pisngi niya.

"Ikaw ha, marunong ka ng mambola. Kay bata bata mo pa." Tumatawa kong sabi.

"Hindi naman po ako nambobola Tita eh, diba nga po sabi nila hindi nagsisinungaling ang mga bata." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Tumango nalang ako saka na tumayo.

I wonder if it's okay to bring Kio with me. Susunduin ako ni Ruse, biglaan ang pag-iwan ni Ate Liza kay Kio kaya hindi ko na na-itext pa si Ruse. Ilang minuto lang, nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Naghihintay na raw siya sa may lobby.

Tumakbo si Kio papunta sa kanya saka siya nito niyakap, actually, ganiyan talaga siya. Napakalambing niyang bata, I'm lucky to have him as a nephew. Ruse pat his head and smiled at him. I smiled.

"Namiss po kita Tito Ruse." Tumingala si Kio para tingnan siya. Pinantayan siya ni Ruse at pinisil ang pisngi niya.

"Namiss ka rin ni Tito Ruse, Kio." Nginitian niya ito at tumayo. Dumako ang tingin niya sa'kin ng tumingin siya sa direksyon ko. Napaayos ako ng tayo ng tumagal ang tingin niya. He's wearing a Checkered polo, denim pants and a white rubber shoes. He then smiled at me. I smiled back and approach them.

"Ruse, is it okay na kasama natin si Kio?" Halos pabulong kong sabi. Tumango naman siya agad saka tumingin kay Kio na nakatingin sa amin.

"Ayos lang sa'kin, walang problema." Ngumiti siya. He hold Kio's hand, which made my heart smiles "Tara na?"

Tumango ako saka na sumunod sa kanila, like we decided, we went to the amusement park. Tuwang tuwa si Kio nang makarating kami ro'n, hinila niya kami agad papunta sa bumping cars area. And now, pinagtutulungan nila akong dalawa, porke dalawa silang lalaki, nagteam up.

"Ang daya niyo! Pinagtutulungan niyo ako!" They bump my car again, sinamaan ko sila ng tingin, lalo na si Ruse.

"Hindi ka namin pinagtutulungan, Crei." Sabi niya habang tumatawa. Binunggo na naman ako ni Ruse. Kaya ang nangyari, naghabulan kaming dalawa, bumping each other's car. Sumali na rin si Kio, 'yun nga lang, kinampihan hetong si Ruse. Pagkatapos namin, nagsorry agad si Ruse. Ako? Syempre tinanggap ko.

We decided to ride the ferris wheel. We didn't enjoy it that much dahil hindi kami magkakatabi. Dalawa lang ang upuan kada row kaya nahiwalay sa'min si Ruse, sa may likuran namin siya pumwesto.

"Uminom muna kayo." Inabutan niya kami ng tubig saka umupo sa tabi ni Kio.

"Tita, buksan." Humarap sa'kin ang pamangkin ko.

"Ako na." He carefully get the bottled water, giving the kid a smile. Tinitigan ko siya habang binubuksan 'yon, napapangiti.

"Thank you po!" Ruse pat his head, and suddenly glance at me then smiled. I just did the same.

"Wala bang nang-aaway sayo sa school?" Tanong ni Ruse. Umiling lang si Kio bilang sagot. Tumango lang siya at ibinalik ang takip ng bote niya.

"Kapag may nang-away sayo, sabihan mo lang ako ha?"

Like A SyringeWhere stories live. Discover now