-04-

15 1 0
                                    

While I was in the kitchen, cooking, Leah and Ethan were in the living room with Kio, watching. Weekend na naman, ang bilis ng araw. Maaga kaming nakauwi, and now preparing our dinner. Tinanong ko sila kung anong gusto nilang ulam na lutuin ko, Ethan said he wants Adobo, Leah wants Chicken Pastel, while Kio wants Fried Chicken. At dahil weekends, iniluto ko lahat ng gusto nila. We also buy desserts and snacks for later.

Si Kio, hinabilin muna siya sa'kin ni Ate Liza dahil may dinner siya with her clients, susunduin din siya maya-maya. They are playing uno cards, naririnig ko ang mga boses at tawanan nila. They're having fun, napangiti nalang ako.

I give it a taste. Mhm... Perfect!

Kumuha na ako ng mangkok para isalin ang mga ulam, sumandok na rin ako ng kanin, nagtimpla ng juice at inilagay na ang mga kubyertos, baso at plato sa mesa. I'm very sure that the smell of these foods will bring them here.

"Smells like heaven!" Narito na nga sila, nakapikit ang mga mata at nilalasap ang amoy.

"Ang bango po Tita Crei!" Tinulungan ni Ethan si Kio sa pag-upo, ngumiti lang ako saka ginulo ang buhok niya.

"Syempre naman, ako 'yung nagluto eh." I chuckled. Umupo na rin kaming tatlo saka na kumuha ng pagkain.

"Sana ako rin ganito magluto." Ngumuso si Leah kaya natawa kami. Hindi pa kasi siya ganoon kagaling pagdating sa pagluluto, nasanay kasi siya sa pagkain sa labas.

"Hindi mo magiging kasing galing magluto si Crei." Banat sa kanya ni Ethan, hindi siya tinatapunan ng tingin. Nagsalubong ang kilay nung isa.

Gyera na naman 'to.

"A- Anong sabi mo unggoy?" Nanlilisik na ang mga mata ni Leah, kahit anong oras sasabog na siya.

"Just stating fact." He look at Leah, smirking.

Our day is finally complete.

"Eh, ikaw? Hindi mo matatalo si Ruse dahil mas pogi siya sayo." Si Leah naman ang nang-asar. Nabitawan ni Ethan ang hawak niyang kutsara at nagsalubong ang kilay.

"A- Anong sabi mo pirana?" Aniya "Hindi ko matatalo si Ruse? Mas pogi siya sa'kin?" Parehas nang nandidilim ang paningin nila. Tumatawa lang kaming dalawa ni Kio, buti nalang sanay na 'yung bata sa bardagulan nilang dalawa.

"Hep, tama na 'yan," Pumagitna ako "Kumain na tayo, pwede?" Tiningnan ko sila. Tumango sila, nang magkatinginan, mabilis nilang inirapan ang isa't isa. Kio and I laugh hard.

I asked Kio to lead the prayer, napamulat kami ng may mag door bell, hindi pa nakakapagsalita si Kio, tatayo sana si Ethan, but I told him to stay, ako na ang tumayo para buksan ang pinto.

"Good--" Nalaglag ang panga ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Ruse, halatang nabigla rin siya ng makita ako "Crei?"

Teka... Anong ginagawa niya rito?! How did he know where I live?!

"R- Ruse?!" Halos mapatalon ako. Bakit siya nandito? Paano, saan at kanino niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Crei?" Bakit siya pupunta ng ganitong oras?! "Is Leah here?" Leah? He's looking for Leah? Bakit naman?

"Y- Yeah," Tumango ako "Why are you here? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Curiosity is driving me crazy! Sinusundan niya ba ako? Pinapasundan? Ugh! Bakit niya naman gagawin 'yon?! Stop thinking!

Like A SyringeWhere stories live. Discover now