-08-

4 0 0
                                    

"A- Ang ganda..."

Saktong paglabas namin, narinig na namin ang mga sigaw at hiyawan nila, pati ang pagputok o tunog ng fireworks. Dali-dali kong inilabas ang phone ko para kunan ito ng picture at videohan. He also took out his phone in his pocket and take some pictures.

"Mm, maganda nga." Rinig kong sabi niya. Napatango ako, sumasang-ayon.
Iba't iba ang kulay nito, nakakaaliw panoorin. Nanatili kaming nakatayo ro'n, pinapanood ang fireworks display at hindi man lang sumagi sa isip namin na magpunta malapit sa bonfire para manood kasama sila.

"Amg tagal ko na ring hindi nakanood ng fireworks display," Kwento ko bigla "Ang dami ko kasing ginagawa, noon, hindi ako makalabas ng bahay dahil nag-aaral ako, kahit New Year wala akong tigil sa pag-aaral. Ngayon namang naging doktor ako, hindi rin ako nakapanood noong nakaraang New Year."

"Masyado ka kasing masipag, make some time for yourself, for the things you want to do." He chuckles "Buti nalang pala may fireworks display dito, kung hindi ka sumama, you'll not be able to watch this beautiful display."

"Hmm. You're right," Tumawa ako "Buti nalang talaga sumama ako." Tumawa lang rin siya.

Tiningnan ko siya hanggang sa mapunta ang tingin ko sa mga mata niya. The color of the fireworks reflects on his eyes, it was beautiful and colorful. He's looking at the sky, napangiti ako habang nakatingin sa kanya.

"Let's go back there?" Tumango lang ako. Lumapit agad ako sa kinatatayuan nila Leah, she's taking videos and pictures of it too, maging si Tan. Ruse stood beside Ethan, tapos na kaming kumuha ng mga litrato kaya nanood nalang kami. My gaze went to Ethan, I suddenly remember what Ruse said.

Malabo pa sa malabo na may gusto sa akin si Ethan. 0 percent. Napabuntong hininga nalang ako.

"Uhm, Ruse!" Olivia suddenly pop up "Tara do'n tayo! Alexa said na mas maganda raw ang spot do'n!" My eyes went on Olivia's hand, her hands were clinging to Ruse's arms.

"Parang linta kung makakapit, kapal ng mukha." Bulong ni Leah, nakataas ang kaliwang kilay "Ang landi, halatang kulang sa pansin." Saka siya naiiritang napailing.

"Uh..." Tumingin siya sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas tingin "Sige."

"Yey!" Hindi niya inalis ang pagkakapalupot ng kamay niya sa braso ni Ruse. May kung ano na namang kumirot sa akin, I don't know why I'm feeling this. Hindi ko naman 'to dapat nararamdaman.

"Okay ka lang Crei?" Kumapit si Leah sa braso ko. Nginitian ko lang siya saka tumango. Ilang segundo lang natapos na rin naman ang fireworks display kaya umupo kami ulit sa buhanginan kung saan kami nakapaikot kanina.

Nakita kong may dalang tatlong gitara si Jacob, he handed those to Eric, Sandro and Rick. Ganito rin ang ginawa namin kagabi, nagkantahan. Itinono muna nila ang mga gitara bago magdecide kung anong kakantahin. I roam my eyes around, hindi pa rin bumabalik sila Ruse at Olivia. I don't know why I am looking for them, it bothers me.

Nasaan sila? I- I wanted to know...

"Crei, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Tan ng tumayo ako.

"M- May kukunin lang ako, babalik din ako." I didn't wait for him to talk, umalis na ako para hanapin sila. Nilibot ko muna sandali ang labas bago ako pumunta sa loob ng villa. I went on the kitchen, bathroom, living room pero wala sila kaya umakyat ako sa taas kung nasaan ang mga kwarto namin. I check the boys room first, but I didn't see them. Kwarto nalang namin ang natitira.

Nanatili ang kamay ko sa doorknob, hindi ko alam kung bakit ako nag-alangang buksan iyon. My eyes widened when I enter the room and saw them in the bed, Ruse was on Olivia's top, I gulp and blink.

Like A SyringeWhere stories live. Discover now