"I know. Kaya nga ako na stress kanina. One of the families went to the police station, crying and almost hysterical. Nagmamakaawa ang asawa sa akin na i-urong ang kaso. Their first child is in college, kailangan raw nila ang kanilang tatay..."

Inangat niya ang kaniyang ulo mula sa pagkakansandal sa akin. Napasandal siya sa inuupan at napatingala habang nakapilit, tila muling namroblema. I only looked at him, waiting for him to open up more.

Sa totoo lang, kung ako ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan din akong mag desisyon dahil may involved na pamilya. I know emotions should not be involved on things as objective as this but... how about their children? Mali ang kurapsyon. I won't justify that because I hate it and the people doing that, too. Napapaisip lang ako kung ano ba ang pwedeng gawin ngunit para kahit papaano ay matulungan ang pamilya.

"I won't tolerate corruption under my name, Joshien. It's injustifiable, regardless of the intent. Kaya itinuloy ko ang kaso. The city lawyers are handling it and I'm sure they will handle it well. They wronged the city and their constituents, not me... They must pay for its price." Hinawakan niya ang kamay ko. "But I asked our Scholars Office. I told them to encourage the children of the suspects to apply. Maybe that can help... Sinigurado ko rin na makukulong iyong may-ari ng negosyo. The business involved will surely halt its operation, too. The CEO is the mastermind, after all."

His jaw moved.

"I'm sorry. Hindi dapat tayo nag-uusap tungkol sa trabaho ngayon but I can't help it. Gusto ko lang na may makausap tungkol dito. It's the first time..."

"Ayos lang. Makikinig naman ako. It must have been hard for you... Besides, hindi ba delikado? Hindi ka ba babalikan ng mga 'yan?"

He shrugged. "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? I noticed you are having fun there. You are with your other friends?"

"Hindi. Pinsan ko ang mga iyan..." Napakagat ako ng labi. Shit. Bibili nga pala ako ng alak at pulutan! ''Hindi ka pa ba uuwi?''

''Baby, why do you want me to go home so bad?'' he chuckled.

''Hassen, why do you want to be with me so bad?'' Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.

He chuckled once more. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mababaw na halik. Sa sobrang babaw, gusto ko pa ulit ng isa. Napaawang ang labi ko. My heart fluttered in happiness.

''Uwi ka na... Hinahanap ako na ako ng mga pinsan ko. Bibili pa ako ng pulutan at hmm... Alak namin.''

Para akong nalasing sa halik niya. God, I can't believe this. The kiss was light, but it sent shiver down my freaking spine. Hassen, can we kiss some more?

Napapikit ako at hindi inakalang gano'n kami kadali nagkabati. It was a miscommunication. Sana pala naghintay muna ako. Hindi ko manlang na isip na baka abala siya sa trabaho. Our worlds are different, I didn't even think that he might have been busy with work.

While I was busy with school, with a more ample amount of time, I thought ours were the same. Saka ko lamang naalala na magkaiba pala ang mundo namin dalawa. His world requires more time compared to mine.

Hindi kami nagkita kinabukasan dahil gusto kong magpahinga muna siya. Ayos lang naman sa akin dahil inaasikaso ko pa ang mga pinsan ko.

Kanina pa ako tinitignan ni Kwinie simula nang magising ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang gaga 'to!

''Ate Joshien... umamin ka nga sa akin.''

Hinarangan ako ni Kwinie at pumamewang bago pa ako makapunta sa kusina. Hindi ko tuloy makuha iyong mga pinagkainan!

''Pinagsasabi mo? Tabi nga!'' binunggo ko ang kapatid.

Minsan talaga, may sapak 'to eh! Parang tanga eh!

The Red Light Kissजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें