22

1K 23 24
                                    

Warning: SPG. R-18. Mature content. Kung hindi ka hiyang sa ganitong kabanata ay maaari mo na lamang itong i-skip o huwag basahin. Nasa inyo po 'yon kung babasahin niyo ito o hindi. Read at your own risk.

•••••••

Chapter 22

Don't worry

Matapos kong mapakinggan ang kantang 'yon ay hindi ako pumasok. Imbis na magmaneho ako papuntang university namin ay pumunta ako sa isang lugar kung sa'n ako pwedeng makapag relax kahit ngayong araw lang. Ang gulo ng isip ko at puso ko.

Magkaiba din ang pinaglalaban nila. 'Yung isip ko sinasabing tama na kasi masakit. Pero ang sinasabi naman ng puso ko ay baliktad sa gustong iparating ng isip ko. 'Yung puso ko laging sinasabi na sige lang. Ipagpatuloy ko pa kasi mahal ko. Kasi s'ya ang buhay ko kahit iba ang mundo para sa kaniya. S'ya ang mundo ko.

Sa'n ba dapat ako lumugar? Nalilito na ako. Ayokong bumitaw kasi umaasa ako. Ayokong iwan n'ya ako kaya kahit masakit sinusunod ko ang sinasabi n'ya. Pero alam kong ang kabilang ilog pa rin ang pipiliin n'ya kahit ano'ng sugal ko. Kahit ano'ng gawin ko. Ibuwis ko man ang buhay ko talo pa rin ako. Ano'ng laban ko sa taong mahal n'ya? Wala, 'di ba? Panama pa nga lang ay talo na. Laban pa kaya?

Napatingin ako sa mga ibong lumilipad. Sana tulad na lang din nila ako. Bakit? Gusto kong makatakas sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong maging malaya. Pakiramdam ko kapag naging ibon ako tulad nila magiging ginhawa ang buhay ko. Padilim ng napag desayunan kong umuwi na. Masama ang pakiramdam ko pero nakuha ko pang pumunta sa lugar na gustong-gusto kong puntahan.

'To ang lugar na pinupuntahan namin ni Fratello maggiore kapag marami kaming problemang iniisip. Parang gusto ko ulit tuloy bumalik sa bata. Kasi kapag bata ka pa lang. Wala kang ibang aatupagin kundi ang makipaglaro ng makipaglaro. Pero simula ng nagkakaedad ako. Parang do'n ko lang nalalaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay. Ang buhay ng isang tao.

Dingalan mountain view mukhang mapapadalas ang pagpunta ko dito. Marami akong problema, eh. Maraming problema na ang sakit sa ulo.

Pagkatapos ng biyahe ko ng mga limang oras ay sa wakas ay nakarating na ako sa bahay namin. Madilim ang buong kabahayan dahil siguro ay gabi na. 9 PM na ako nauwi. Hinipo ko ang sarili kong noo. Shocks! Bakit parang naging doble ang init ko mula kaninang umaga? Sh*t! Yari ako kay Manang nito.

Papasok na sana ako sa kwarto ko para makapag bihis 'tsaka ako baba para makakain ako at makainom ng gamot. Pero nabitin sa ere ang pagbukas ko ng aking kwarto. Napatingin ako sa may humawak sa'king braso.

"D-Devin?" mahinang tawag ko sa pangalan sa humawak sa'king braso. Galit s'ya at nanlilisik ang matang nakatingin sa'kin.

"Ano'ng sinabi mo kay Claire?!" sigaw na tanong nito sa'kin pero pagalit.

"H-Ha?" takang tanong ko. "D-Devin, m-masakit."

"Ano'ng sinabi mo kay Claire?!"

Haos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng muli na naman s'yang sumigaw sa'kin. Ano ba'ng sinasabi n'ya? Sinabi? Eh, hindi nga ako pumasok kanina. Kaya ano'ng pinagsasabi n'ya? Wala akong natandaan na nilapitan ko si Claire para makausap s'ya. Yes, kaibigan ko s'ya pero bihira ko s'ya makausap lalo na ngayon.

"A-Ano ba'ng sinasabi mo d-d'yan?" kinakabahan kong tanong. Pilit na inaalis ang pagkakahawak n'ya sa'kin. Dahil nasasaktan ako.

"Painosenta ka pa! Alam kong may sinabi ka kay Claire kaya s'y lumayo sa'kin! Kaya s'ya nakipaghiwalay sa'kin!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak n'ya sa'kin. Napangiwi ako dahil ang sakit no'n.

"W-Wala akong sinabi sa kanya," pagpapaliwanag ko. "Ni hindi nga ako pumasok kanina, eh. Lumiban ko ng klase kaya ano'ng pinagsasabi mo d— Ahh!" Napasigaw ako ng bigla na lang n'ya akong hinalain papasok sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam pero dinapuan ako ng kaba sa unang pagkakataon.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Where stories live. Discover now