Chapter 2

120 6 0
                                    

PAGTATAKA ang gumuhit sa anyo ni Don Sebastian nang makitang nakalatag ang ilang blueprint at libro sa ibabaw ng malapad na mesa, at sa likod nito ay nakaupo si Thalia sa executive chair at may binabasang kung ano.
    Tumikhim ang Don upang agawin ang pansin ng anak. Saka pa lamang nag angat ng mukha ang dalaga at ng makita ang ama'y hinubad ang reading eye-glasses. Hinagkan ang matanda ng makalapit sa kinaroroonan nya.
   "What do you have here?" tanong ni Don Sebastian at pinadaanan ng tingin ang mga reading materials na nasa ibabaw ng lamesa
   "Pa, I was wondering... puwede na siguro akong magtrabaho sa kompanya. I'm tired of shopping and partying almost everyday. Gusto ko naman na magkaroon ng kahulugan ang buhay ko. Gusto kong magkaroon ng kabuluhan ang ginagawa ko..."
   "So what are you trying to say?" tanong ng matanda na kabisado na kung kelan may ibig hilingin ang dalaga.
   "Like I said. Gusto ko nang magtrabaho sa ating kompanya."
   "You can start anytime you want, hija. Hayaan mo, bukas ay ipapahanda ko kay Gracie ang mga kakailanganin mo. I'll tell her to look for an open position in the office."
   "I don't want to work in the office. It's too boring for me."
   "So?"
   "Pa, I want to work on field. Siguro naman ay magagawan mo ng paraan na makapagtrabaho ako sa minahan."
   "Por Dios, hija! Ano ang gagawin mo sa minahan?" takang-tanong ng matanda.
   "I can be secretary to the site manager. Taga-check ng time cards, payrolls... anything. Mayroon din naman doong opisina, hindi ba?"
   "Pero, hija... pawang mga lalaki ang makakasama mo roon. Baka isa o dalawa o baka nga wala ni isang babae roon. Aside from that, the place is dirty.
Maalikabok kapag mainit, maputik kapag tag-ulan. There are no luxuries there. Ano ang gagawin mo roon?"
   "Mag tatrabaho." Seryoso niyang sabi. "Hindi ako pupunta roon para maghanap ng luxury."
   Napailing si Don Sebastian. "I won't allow you to put your life in danger. Kung gusto mong magtrabaho ay doon sa opisina."
   "Papa!" nagtatampong bulalas niya. Tumayo at niyakap ang ama tanda ng paglalambing.
   "Please let go to Baguio. Hayaan mong maranasan ko naman kung gaano kahirap kumita ng pera."
   "No, hija. Ayokong mapahamak ka.
   "And you think, pababayaan ako roon ni Genaro Sacramento?" aniya na napilitang gamitin ang pangalan ng lalaki nang makitang determinado itong huwag siyang payagan.
   Makkahulugan ang ngiting sumilay sa mga labi ng don. "Are you sure you want to go there at hindi para lamang muling makita si Genaro?"
   Pinamulahan ng pisngi si Thalia. Natumbok ng ama ang tunay niyang gusto. Pero hinding-hindi niya iyon aaminin.
    "Of course not!" nagmamaktol niyang sabi.
    "Siya ang manager sa site kaya ipangpapalagay kong siya ang mangangalaga sa kaligtasan ko."
   "It's still no, hija. Humiling ka nalang ng iba. Huwag na ang mag trabaho sa minahan."
   Hindi nadala ng convincing power niya ang ama nang oras na iyon. Pero hindi si Thalia ang basta nalamang sumusuko sa kahit na anong laban.
   Kinagabihan ng araw na iyon ay sinadya niyang magkulong sa kuwarto at huwag sabayan ang ama sa hapunan. Ipinakita niya ang pagtatampo at pinahaba ang mukha ng makaharap itong muli.
   Ikatlong araw mula ng simulan niyang huwag kausapin ang ama ay bumigay rin ito.
   "All right," ani Don Sebastian sa dalaga sa tonong sumusuko na. "I'll arrange everything for you. Ipadadala ko roon si Gracie para personal na tiyaking magiging maayos ang kalagayan mo, lalo na ang tirahan."
   "Papa, huwag nalang. I can take care of my self really." tuwang-tuwang nasunod nanaman ang gusto.
   "Pupunta roon si Gracie and that's final. Kung ayaw mong sundin ang gusto ko'y madali lang bawiin ang pagpayag kong magtrabaho ka sa minahan."
   "Okay, okay. Your wish is my command."
   Tuwang-tuwang ibinalita ni Thalia Kay Aleta ang ginawang pagpayag ng ama kinagabihang magkita sila ng kaibigan sa party ng pulitikong napangasawa ng dati nilang barkada.
   "So you really up to it, huh?" ani Aleta na naiiling sa kalokohang nasa isip niya.
   "Yeah. I told you, Aleta, hindi ako ang tipo ng babaeng iisnabin lang ng Genaro na 'yon."
   "Baka naman there's more to it than meet's the eye? Kaya ka nanggagalaiti, dahil may gusto ka sa kanya."
   "I don't believe in love at first sight. Besides ang nangyari sa amin ay bite at first sight. Kulang na nga lang ay magkagatan kami sa una naming pagkikita, ano?"
   "I refuse to believe. Napakaliit na bagay at napaka daling patawarin ang ginawang iyon sayo ni Genaro para sundan mo pa siya sa Baguio para lang inisin. At anong mapapala mo kung pasasakitin mo ang ulo ng lalaking iyon? Baka mamaya pa ikaw ang mahuli sa sarili mong bitag."
   "That I won't allow to happen," paniniguro niya. Naiiling na sininsim na lamang ni Aleta ang laman ng hawak na kopita.

GENAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon