Shot 5: Part II

185 16 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!

A Long Short story.



Shot 5: First Kiss

Jiro's PoV

Tulala akong nakatingin kay Bea na kumakaway habang naglalakad palabas ng elevator. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko......parang may kakaiba.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang tunog ng elevator, hudyat na huminto na ito. Tinignan ko kung anong floor na ako at nasa bahaging basement na pala ako ng building.

Lumabas ako ng elevator at dumiretso sa kotse ko. Papunta ako ngayon sa mansion upang bisitahin sina Mom, hindi ko lang alam kung naroon sila ngayon.

Nakarating ako sa mansion at sinalubong naman ako ng mga maids. "Where's Mom?" tanong ko sa kanila.

"Wala po sa mansion ngayon ang Misus, Sir." sagot naman nito at tumango na lamang ako bago dumiretso sa itaas.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naririnig akong mga usapan na nanggagaling sa isa sa mga kwarto.

Sinundan ko naman ang mga ingay na iyon at nadala ako nito sa opisina ni Uncle, ang panganay sa kanila ni Dad.

Nagtago ako sa may pintuan at sa di inaasahan ay narinig ko ang mga usapan nila kaya naman sinubukan kong sumilip.

"Sir, you know that we need to act right now or else----!" sambit ng secretary niya ngunit napatigil nang sumabat si Uncle.

"I know." panimula nito at sumandal sa upuan. "But we need to get rid the hindrance first." dagdag pa nito dahilan upang mapakunot ang noo ko.

Hindrance?

"You mean, your brother?" tanong naman ng secretary.

"Yes and I need you to kill his son first before him. So that, all of his inheritance will be mine." mahabang sagot naman nito at hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

He wants to kill my father? Also me? Just for f*cking inheritance?

Napaatras ako dahil hindi ako makapaniwalang kaya niya 'yong gawin sa kapatid niya ngunit sa kasamaang palad ay bigla kong nabangga ang display na nasa likuran ko dahilan upang mahulog ito.

"Who's there?" dinig kong sambit ng secretary ni Uncle dahilan upang makaramdam ako ng kaba.

Minuto lang ang lumipas ay nadatnan ko na lamang siya na nasa harapan ko. "Oh. Look what we have here. Just right on time." sabi niya pa habang naglalakad palapit sa akin.

"Sir! May narinig kaming nabasag, ayos lang ba kayo?" tanong ng kararating lang na body guard ni Uncle.

"Don't waste your time, boys. Catch him." sambit naman ni Uncle dahilan upang tingnan ko siya ng masama.

"Sh*t." mahinang sambit ko at hindi na nagsayang pa ng oras para tumakbo paalis sa lugar na iyon. Agad naman akong hinabol ng mga bodyguard niya.

Nakarating ako sa hagdan at naabutan naman ako ng isa kaya naman malakas ko siyang sinapak dahilan ng pagkahulog niya sa hagdan.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso palabas ng pinto. Hinahabol pa rin nila ako.

Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito. Sinubukan pa nilang isara ang gate ngunit binilisan ko ang takbo ng sasakyan upang banggain ito.

Tuluyan na akong nakalabas sa lugar na iyon at nakitang sinusundan pa rin nila ako. Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan at ganoon din ang ginawa nila.

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now