Shot 5: Part I

307 26 2
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!

A Long Short story.




Shot 5: First Kiss

Mag-isa na lang ako sa buhay simula nang mawala ang parents ko dahil sa isang aksidente kaya naman kinuha ako ng lola ko upang siya na ang magsilbing guardian ko kaso......wala rin, iniwan niya rin ako.

Simula nang mawala si lola, walang-wala ako.

Walang BAHAY, dahil binenta ko para sa panglibing ni Lola.

Walang TRABAHO, dahil hindi man lang nakatapos ng highschool.

At higit sa lahat, walang PERA.

Wala naman kase akong mga kamag-anak na malalapitan at kung meron man, hindi ko sila kilala.

Kahit na ganon, hindi ko nagawang sumuko dahil tinulungan ako ng matalik kong kaibigan na tumira muna sa kanila habang naghahanap pa ako ng trabaho upang kumita ng pera.

Hindi ko na muna pinagpatuloy ang pag-aaral ko at naghanap muna ako ng trabaho. Hindi man ako natatanggap sa mga permanenteng trabaho pero kahit papaano ay may mga part time jobs naman akong napagtatrabahuhan.

Ilang taon ang lumipas, medyo nakaluwag-luwag na ako at nakapag-ipon na para sa pambili ng kahit maliit lang na bahay o apartment......basta kasya ako.

"Joan, maraming salamat sa pagpapatuloy niyo sa akin dito sa bahay niyo. Tatanawin ko ito bilang isang malaking utang na loob sa inyo." pagpapasalamat ko sa kanya. Ngayon na ang araw na aalis ako sa bahay nila dahil nakahanap na ako ng lilipatan ko.

"Ayos lang iyon. Basta ikaw, welcome ka rito sa amin." sambit niya naman habang hawak ang dalawa kong kamay.

Niyakap ko naman siya at bumitaw agad para harapin si Tita Josie, ang mama ni Joan.

"Tita, maraming salamat po ulit sa pagpapatira niyo sa'kin. Hindi ko po kakalimutan ang kabutihan niyo. Alam niyo ho bang bihira lamang ang mga taong katulad niyo at sobrang nagpapasalamat po ako dahil nakilala ko kayo." mahabang sabi ko naman na parang maiiyak na.

"Ano ka ba, iha? Deserve mo ang tulong namin sa'yo dahil sa pagiging matiyaga at masipag mo, nakita ko kaagad sa iyo ang ugaling iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na tulungan ka." tugon niya at tuluyan na akong napaiyak.

"Tahan na, tahan na." pagpapatahan sa'kin ni Tita Josie. Tumahan naman ako at muli ay niyakap silang lahat.

"Mam! Nakaayos na po ang lahat, aalis na po tayo!" sigaw ng kasama ko na maghahatid ng mga gamit ko sa bago kong bahay.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at nagpaalam na sa kanila.

"Sige na po, aalis na po ako." pagpapaalam ko habang nagpupunas ng luha.

"Sigurado ka bang ayaw mo akong isama?" pahabol pa ni Joan. Gusto niya kase sumama na lang sa'kin at doon na rin tumira para daw may kasama ako, tutulungan niya rin daw ako sa pag-aayos doon.

Huminga naman ako ng malalim at umiling. "Pwede ka namang bumisita." sabi ko naman at lumabas na ng bahay. Sumakay naman ako sa truck at kumaway pa sa kanila bago ito umandar paalis.

------

Nakarating na ako sa apartment na tutuluyan ko, bumaba naman ako ng truck bago dumiretso sa loob ng building.

Medyo malayo-layo ang lugar na ito mula sa bahay nila Joan pero okay na rin naman dahil mura lang at muka namang maayos ang lugar. Para sa'kin, mailalarawan ko ito sa tatlong salita.

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now