Shot 4: Part II

382 56 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!

A Long Short story.





Shot 4 /Part II: Scars

Richard's PoV

Kasalukuyan akong nagmamaneho papuntang office. Katatapos ko lamang ihatid si Sam sa psychiatrist for treatment.

Huminto ako nang magkulay pula ang stop light, sakto namang nag-ring ang phone ko at kaagad ko naman itong sinagot nang makitang number ng ospital ang nakalagay sa screen.

"Hello?" sambit ko pagkasagot ng tawag.

["Hello po sir, hinahanap po kayo ng pasyente. Kanina pa po niya kami sinasabihan na tawagan po kayo."] magalang na sabi ng nurse sa akin mula sa kabilang linya.

"Bakit niya ako hinahanap?" takang tanong ko naman.

["Hindi ko rin po alam sir---ma'am! "I need to talk to him!"] napatigil ito sa pagsasalita nang may sumingit na boses mula sa kabilang linya.

"H-hello, what's happening?" kunot-noong tanong ko at may naririnig na sigawan mula sa kabilang linya.

["I'm sorry sir, you need to come here now---!"] madaling sabi ng nurse at napatigil sa pagsasalita nang may sumingit muli.

["Hello, Richard. Come here, right now."] ma-awtoridad na sabi ng nasa kabilang linya dahilan upang makaramdaman ako ng kaba.

Napansin kong binaba na nito ang tawag kaya naman agad akong nag U-turn upang tahakin ang daan papuntang South Hospital.

-----

Pagkarating ko sa South Hospital, agad akong dumiretso sa kwarto ni Mama at nadatnan itong nagwawala.

"Sabi ng ayoko eh! Ang gusto ko, papuntahin niyo si Richard dito! Kailangan ko siyang maka-usap!" dinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto.

Nasa tapat na ako ng pinto at kumatok bago pumasok sa loob. Natahimik naman sila dahil doon at napatingin sa akin.

"R-richard...." bigkas ni Mama nang makita ako.

"Ma, why do you want to talk to me?" takang tanong ko at napansin kong natuwa si Mama ngunit may lungkot pa rin na nakabakas sa kanyang mukha.

"Ma'am/Sir, lalabas po muna kami. Tawagin niyo po kami kung may kailangan kayo." paalam naman ng dalawang nurse bago lumabas.

"May kailangan kang malaman..." biglang sabi ni Mama pagkalabas nila.

-----

Binilisan ko ang pagmamaneho dahil nagmamadali akong makauwi upang malaman kung totoo nga ba ang sinabi ni Mama sa akin kanina at kung ano ba ang isang sikretong tinatago ng babaeng pinakasalan ko.

Naalala ko ang sinabi ni Mama...

**Flashback**

"May kailangan kang malaman...." sambit ni Mama na nagpakaba sa'kin.

"W-what is it?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Tungkol sa anak ko.....isa siyang impostor." agad niyang sagot dahilan upang maguluhan ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Ang kinikilala mong S-sam ngayon ay si......J-jam." bigkas niya pa at hindi naman ako makapaniwala.

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now