Chapter 47

1.1K 59 14
                                    

LUCAS/XAVIER'S POV

"Good morning po Sir Xavier,"bati sakin ng driver.Tumango ako dito.

"Si mom at dad?"Tanong ko.

"Nakaalis na po sila Sir Xavier.Saan po ba kayo nagpupunta?Hinahanap na po kayo ni Ma'am Aelyn at Sir Arnold.Wala na rin po akong ibang maidadahilan sa kanila."Sabi nito.Napabuntong hininga na lang ako.

Sinabi ko kasi dito na habang wala ako ay pagtakpan niya na lang muna ako.

"Kuya!"Sigaw ni Maverick at lumapit sa amin.

"Maverick..."

"Saan ka pa pumunta,kuya?Halos dalawang araw kitang hindi nakita."Sabi nito.

"Ah,may  inasikaso lang ako, Maverick."Palusot ko dito.Tumango na lang ito sa sinabi ko.

Inabot ko sa kanya ang isang box.Kahit naguguluhan ay tinanggap naman niya.

"Ano 'to,kuya?Regalo?"Tumango ako dito.

"Here,ibigay mo rin ito kay Arriene."Inabot ko ulit dito ang isang box.

"Why are you giving us like this?Hindi naman namin birthday."Saad nito.

Malamang naguguluhan kung bakit ko sila binibigyan ng regalo.Gusto ko lang na may maalala sila sa akin bilang si Xavier.Alam kong mahal nila kuya nila kaso hindi lang nila naipapakita yun.

"Nothing,gusto ko lang.Wala pa rin naman akong naiibigay na regalo sa inyo kahit kailan,diba?Kaya yan ang una kong regalo sa inyo."

"Ganun ba.Pero salamat,kuya."Aniya at yumakap sakin.At niyakap ko din naman siya pabalik.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit lang ng damit.Binilisan ko ang kilos ko dahil baka pumunta pa dito yung Supreme Aces at hanapin ako.

Inaantay na rin ako nila Dave.Ngayon namin isasagawa ang plano namin.Nakahanda na ang lahat at ako na lang ang iniintay nila.Umuwi ako sa bahay dahil kailangan kong kunin ang sasakyan ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko sa drawer ang susi ng kotse ko.Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan.Nakita ko pa si Maverick na nasa sala.Napansin ako nito.

"Kuya?Aalis ka ulit?Pero kararating mo lang ah."Takang sabi ni Maverick.

"Ah...may kailangan lang ulit akong asikasuhin, Maverick.Kapag may naghanap sakin dito sabihin mo ay hindi pa ako umuuwi."Sabi ko.

"Huh?Why?Are you hiding from someone,kuya?"Curious na tanong nito.

"Ano bang sinasabi mo dyan?Basta gawin mo na lang ang sinabi ko,okay?Palagi kayong mag-iingat dito."Sabi ko at lumabas na.

Hindi ko na ito inintay pang magsalita dahil baka pigilan niya lang ako.Nakasalubong ko naman ang driver.

"Sir Xavier,aalis na naman po kayo?"Tanong nito.Tumango ako dito at nagpunta sa garahe.

"Mag-iingat po kayo Sir Xavier!"Pahabol sakin ng driver.Tumango ako dito bago sumakay sa kotse.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan.Binuksan ng mga gwarda ang gate.Tsaka ako nagdrive paalis.

Sa huling pagkakataon ay muli kong tiningnan ang mansyon.Hindi na ako nakapag-paalam kay mom at dad.Pati na rin kay Arriene.Pero kailangan ko ng umalis.Kailangan ko ng iwan ang  lahat ng may kaugnayan kay Xavier.

Dahil simula sa araw na 'to walang ng Xavier.Alam kong masasaktan sila sa gagawin ko pero iyon ang kailangan.Kailangan ko ng iwan ang pamilya at mga kaibigan ni Xavier.

Nagpatuloy na ako sa pagdadrive at tinungo ang lugar na kung saan namin isasagawa ang plano.Iniintay na nila ako doon.

'Paalam'








Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now